• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga fans, netizen hati ang kuro-kuro sa pag-swap kay Christian Jaymar

NAGING hati ang opinyon ng mga panatiko at netizen ang inaapruhang trade kay CJ Perez na buhat sa San Miguel Beer patungong Terrafirma nitong Pebrero 2.

 

 

Masaya ang ilang tagasunod sa pagkakabingwit ng Beermen sa 2019 first round, top pick overall, 2019 Rookie of the Year at two-time scoring leader para sa kanilang koponan.

 

 

“A trade like that happens only when the other team wants to win while the other dont.  Don’t be too hard on SMB.. blame it on Terrafirma,” komento ng isang netizen sa Facebook Miyerkoles.

 

 

Dagdag ng isa sa Twitter, “Welcome to San Miguel, CJ Perez! This team is lock and loaded from top to bottom with two MVP caliber players leading the charge. Now that everyone is coming back healthy, it is time to reclaim the Philippine Cup title along with JMF and the gang.”

 

 

Pero may ilan din ang mga umaangal  at nagpahayag ng kanilang mga saloobin sa social media rin.

 

 

“Hindi n tama ito, kung lahat ng potential player kukuhanin nila paano magkakaroon ng balanseng team sa PBA,” wika ng fan.

 

 

Panapos na hirit ng isa ring netizen: “Pano kayo mag-cha-champion sa PBA niyan kung pinamimigay ninyo lang star player ninyo!” (REC)

Other News
  • Naghintay lang ng tamang oras para i-announce… EDGAR ALLAN, ni-reveal na December 2021 pa sila engaged ni SHAIRA

    MABUTI naman at nakikipag-date na muli si Andrea Torres.     Mula kasi noong nag-break sila ni Derek Ramsay noong 2020, wala na tayong nabalitaan na espesyal na lalaki sa buhay ni Andrea.     Sayang naman na sa ganda at seksi niyang iyon ay tatanda siyang dalaga, hindi ba?     Kaya sa pag-amin […]

  • JOHN LLOYD, posibleng makasama si MAINE sa isang romcom series; MARIAN, game ding makatambal ang aktor

    KUMALAT ang tsikang posibleng makatatambal ni Marian Rivera si John Lloyd Cruz sa isang romcom series na mala-Korean drama raw ang dating.     Bukas naman si Marian na nilulutong project sa kanila ng GMA Network at napa-’why not?’ pa raw ang Kapuso Primetime Queen.     Pero nabasa rin namin sa twitter na may […]

  • May napili ng kapalit ni Sinas bilang hepe ng PNP

    NAKAPAMILI na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kung sino ang susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na wala siyang go signal para isiwalat at ianunsyo sa publiko kung sino ang napisil ni Pangulong Duterte na magiging kapalit ni PNP chief Police General Debold Sinas, na […]