• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Putol kuryente itigil muna – Duterte

Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan na nagbabawal sa pagputol ng kuryente ng mga “lifeliners” o low-income households.

 

 

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, iiral ang “no disconnection” policy hanggang ngayong buwan ng Pebrero.

 

 

Ang mga “lifeliners” ay ang mga kabahayan na hindi lumalampas sa 200 kilowatt hour  ang konsumo kada buwan.

 

 

Ang pagpapalawig ng “no disconnection” policy ay inirekomenda ng Ener­gy Department.

 

 

“Ang instruction ni Pangulo, sa panahong may kinakaharap na pandemiya, walang puputulan (ng kuryente) na lifeliner,” pahayag ni Nograles.

 

 

Sinabi pa ni Nograles na makakahinga na ng maluwag ang mga kabahayan na nangangam­bang mapuputulan ng kuryente ngayong buwan.

 

 

Ipinaliwanag naman ni Undersecretary Felix William “Wimpy” Fuentebella ng DOE na hanggang Disyembre lang dapat ang pagbabawal sa pagputol ng kuryente ng mga hindi makabayad na “lifeliners” pero pinalawig ito ng dalawang buwan na kinabibilangan ng Enero at Pebrero.

 

 

Kung hindi makakabayad matapos ang Peb­rero, hindi aniya na­ngangahulugan na mapuputulan na agad ng kur­yente dahil mag-uusap muna ang consumer at distribution facilites para magkasundo tungkol sa posibleng installment na bayaran.

 

 

Kapag hindi aniya tumupad sa usapan ang consumer ay saka papadalhan ng disconnection notice. (GENE ADSUARA)

Other News
  • PDu30, nagtalaga ng bagong Court of Appeals justice

    ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si dating Bangko Sentral ng Pilipinas Executive Director Jennifer Joy Chua Ong bilang associate justice ng Court of Appeals (CA).     Sa panahon na itinalaga si Justice Ong, siya ay undersecretary ng Office of the Appointments Secretary ng Office of the President.     Si Justice Ong, nanumpa […]

  • Manang-mana sa husay ng ama na si Richard: JULIANA, muling nakasungkit ng gold medal sa ‘West Java Fencing Challenge 2022’

    HINDI mamumunga ng bayabas ang santol, kaya hindi katakataka kung si Juliana Gomez ay mahusay sa sports na fencing dahil ang ama niyang aktor at Leyte 4th District Congressman na si Richard Gomez (na kilala rin sa bansag na Goma) ay gumawa ng sarili nitong pangalan sa kaparehong sports event noong kabataan niya.     […]

  • PBBM, hinamon si Quiboloy na lumantad at harapin ang congressional inquiry

    HINAMON ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy na lumantad at harapin ang imbestigasyon laban sa kanya ng Kongreso na may kinalaman sa criminal allegations laban sa kanya.     “I would just advise him that, just, kung mayroon naman siyang sasabihin, if … he has […]