• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cabinet members ni Pangulong Duterte, handang makasama sa priority list ng COVID vax kung nanaisin ng president

Nakahanda umano ang mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na makasama sa priority list ng COVID-19 vaccination kung magiging daan ito upang magkaroon ng tiwala ang publiko sa bakuna.

 

 

Paglilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi sila kasama sa priority list dahil ang talagang pinaka-unang prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan ay ang mga medical at health frontliners.

 

 

Ayon kay Nograles, ayaw nilang maakusahan na sumisingit sa pila kung kaya’t iniiwasan nila na makasali sa priority list, subalit kung hihilingin umano na mauna silang makatanggap ng bakuna upang makatulong sa vaccine confidence ay nakahanda naman daw sila.

 

 

Bukas din aniya ang kalihim na magpabakuna ng anumang brand ng COVID-19 vaccine basta’t dumaan ito sa local regulator’s evaluation.

 

 

Handa raw si Nograles na gawin ito upang maipakita sa taumbayan na ligtas ang ipamamahaging bakuna ng gobyerno.

 

 

Batay sa vaccination plan ng bansa, mauunang makatanggap ng bakuna ang mga frontline health workers, ikalawa ang mga senior citizens, susundan ito ng mga indigent population, uniformed personnel at iba pang vulnerable population groups.

 

 

Inaaral na rin ng pamahalaan na bakunahan sa second quarter ng taong 2021 ang mga tinuturing na “economic frontliners” tulad ng mga drivers at ang mga nagtatrabaho sa food industry. (DARIS JOSE)

Other News
  • PAG-ARESTO SA MGA RALIYISTA, IDINEPENSA NG MPD

    IDINEPENSA ng Manila Police District (MPD)  ang ginawang pag-aresto at pagtaboy sa mga kabataang rallyist na nagkasa ng anti-Balikatan protest sa harap ng US Embassy .     Ayon kay MPD P/Major Philipp Ines, ang nasabing grupo ay walang mga permit para magsagawa ng kilos protesta.     Aniya ipinatutupad pa rin nila ang maximum […]

  • Pacers coach McMillan, sinibak; Spoelstra, nagalit

    Matapos ang dalawang sunod na pagkatalo sa first round playoffs sa NBA conference, sinibak na ng Indiana Pacers ang kanilang pambatong coach na si Nate McMillan. Kinumpirma ang pagkakasibak kay McMillan ni President of basketball operations ng Pacers na si Kevin Pritchard. “This was a very hard decision for us to make; but we feel […]

  • National bowler, handa na para sa ‘new normal’ na paglalaro

    Sinang-ayunan ng ilang mga national bowlers ang ipapatupad na mga pagbabago kapag nasimulan na muli ang mga laro ng bowling sa bansa.   Sinabi ni Philippine Bowling Federation secretary-general Olivia “Bong” Coo, na mayroon na silang ginawang mga panuntunan para sa “new normal” na pamamaraan ng paglalaro.   Bagamat aminado ito na mahirap ang maglaro […]