• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RIA, muli na namang napasabak sa pagbabalik-‘MMK’ kasama si JAKE, aabangan din sa series na ‘Viral’

MULI na namang napasabak sa pag-arte si Ria Atayde sa kanyang pagbabalik sa Maalaala Mo Kaya (MMK) after more than two years.

 

 

Makakatambal niya si Jake Cuenca at makakasama nila si Malou de Guzman sa natatangi nitong pagganap sa episode ngayong gabi na may titulong “Monster In Law.”

 

 

Si Jake ang gaganap na anak ng beteranang aktres at Ria naman ang manugang niya.

 

 

Magiging matamis pa nga ba ang maasim na samahan ng mag-biyenan?

 

Tikman ang sarap ng pagmamahal ngayong Sabado ng FEB-IBIG.

 

Napapanood ang MMK tuwing 9:00 p.m. sa Kapamilya Channel (cable), Kapamilya Online Live (free live-streaming), iWant TFC (on-demand streaming), at A2Z Channel 11 (free and digital TV in Mega Manila).

 

 

Isa lang ito sa apat kuwento na matutunghayan sa MMK sa buwan ng FEB-IBIG. Kasunod ng episode nina Ria at Jake ang “Love and Adulting” nina Charlie Dizon at Jameson Blake (Pebrero 13), “Love Scam” nina Dimples Romana at Ketchup Eusebio (Pebrero 20), at “Millennial Queer Women” nina Nathalie Hart at Jane Oineza (Pebrero 27).

 

 

Unang sumabak ni Ria sa MMK noong May 28, 2016 sa episode na ‘Puno ng Mangga’ kasama sina Matt Evans at Joseph Marco, na kung saan nanalo siya ng Best New TV Personality sa Star Awards for TV.                    Sa MMK episode na ‘Damit’ noong July 22, 2017, gumanap naman si Ria bilang Hershey Hilado na kung saan napalaban siya sa matinding dramahan.

 

 

Kasama rin siya cast ng ‘Portrait’ noong April 14, 2018 na pinagtambalan nina Ian Veneracion at Angel Aquino.

 


Bago matapos ang taon, nangyari na nga ang kauna-unahang pagsasama ng real life siblings na sina Ria at Arjo Atayde, sa episode na ‘Korona’ na pinalabas noong December 8, 2018. Ginampanan nila ang Sibuyan siblings na sina Armin at Rosedel na kung saan pareho silang pinuri.

 

 

Anyway, pagkatapos ng kani-kanilang episode sa MMK, magkakasama pala sina Jake Cuenca, Ria, Charlie, Jameson at Dimples sa Kapamilya series na Viral na malapit na ring mapanood sa Kapamilya channels at A2Z Channel 11.

 

 

Ka-join din sa cast sina Markus Paterson, Karina Bautista, Aljon Mendoza, Kaila Estrada, Vance Larena at marami pang iba. (ROHN ROMULO)

Other News
  • 3 naaktuhan nagtatarya ng shabu sa loob ng jeep sa Valenzuela

    SA kulungan ang bagsak ng tatlong hinihinalang sangkot sa iligal na droga matapos maaktuhan ng mga awtoridad na nagtatarya umano ng shabu sa loob ng isang pampasaherong jeep sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.     Sa report ni SDEU investigator PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-12:20 […]

  • 2 wanted sa droga sa Navotas at Valenzuela, timbog sa manhunt ops

    NALAMBAT ng pulisya ang dalawang lalaki na kapwa wanted sa kaso na may kinalaman sa illegal na droga sa magkahiwalay na manhunt operation sa Navotas at Valenzuela City.     Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, dakong alas-10:00 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas […]

  • MMDA, IBALIK ang CODING o TULUYAN NANG ALISIN?

    Pinagaaralan diumano ng MMDA na ibalik na ang coding sa Metro Manila matapos na isuspinde ito dahil sa pandemya.  Kung paniniwalaan ang Presidente na na-solve na raw ang traffic sa EDSA e  bakit nga ba ibabalik pa!     Ang coding ay bahagi nang ipinatupad ng MMDA na Unified Vehicular Volume Reduction Program. Kamakailan lang ay kinatigan […]