NAGSULPUTANG PEKENG COVID VACCINE, BABANTAYAN NG NBI
- Published on February 8, 2021
- by @peoplesbalita
NAGSASAGAWA ng monitoring ang National Bureau of Investigation (NBI) para mabantayan ang pagpuslit ng mga nagsulputang pekeng Covid-19 vaccines sa bansa.
Kaugnay nito, sinimulan na rin ng NBI ang imbestigasyon sa importation, selling at distribution ng Covid-19 vaccine na hindi dumaan sa tamang proseso at hindi aprubado ng food and Drugs Administration (FDA).
Una nang inatasan ni DOJ Secretary Menardo Guevarra ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa ulat ng mga pekeng mga gamot na nakakapsok sa bansa kasama na rito ang bakuna kontra Covid-19.
Matatandaang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nabakunahan na ang ilang miyemro ng sundalo partikular ang Presidential Security Group (PSG) .
Sinasabing ang bakuna na donasyon mula sa China ang sinasabing itinutok sa mga sundalo at iba pang personalidad kung saan wala itong rehistro o hindi dumaan sa FDA at wala rin itong emergency use authorization.
Kabilang ang mga sundalo sa priority list ng gobyerno na makakatanggap ng bakuna sa sandalling dumating na ito sa bansa. (GENE ADSUARA)
-
Keanu Reeves Says That ‘John Wick 4’ Reveals More of the Assassin World
KEANU Reeves says that John Wick: Chapter 4 will feature a lot more world-building and epic stunts that the franchise is well-known for. The Lebanese-born actor has had the pleasure of playing the titular role in some of the most iconic action films like The Matrix, Speed and Point Break, but also delivered a series of commercial and critical failures in the post-Matrix era from the mid-2000s […]
-
Lacson-Sotto tandem nangabog sa Twitter
Ang tambalan nina Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto ang may pinakamaraming tunay at lehitimong follower sa Twitter, ayon sa random bot analysis at independent monitoring na ginawa ng isang Reddit user. Gamit ang sample size na 5,000 account mula sa 44,155 followers ng Lacson-Sotto […]
-
Pagdating sa bansa nang mahigit 3M doses ng Moderna Covid-19 vaccines, pinangunahan ni Pangulong Duterte
PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsalubong sa pagdating nang mahigit sa 3 milyong doses ng Moderna Covid-19 vaccines na dinonate ng gobyerno ng Estados Unidos sa Villamor Air Base,Pasay City. Sa maikling mensahe ng Pangulo ay pinasalamatan nito ang Amerika dahil sa kabutihang-loob na ibahagi ang Covid-19 assistance sa Pilipinas. “I […]