• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fernando, nilinaw ang usapin sa NFEx

LUNGSOD NG MALOLOS– “Saan man at kailanman, wala sa pagkatao ni Daniel Fernando ang magbebenta ng karapatan ng kaniyang kalalawigan, lalo na nang maliliit at walang tinig sa lipunan.”

 

 

Ito ang binitawang pahayag ni Gobernador Daniel R. Fernando sa ginanap na Joint Forum with Selected Legislators and Executives of the Provincial Government of Bulacan na naglalayon na maliwanagan ang mga lingkod-publiko sa usapin patungkol sa proyektong North Food Exchange (NFEx).

 

 

Ginanap ang pulong matapos talakayin ni Bise Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado sa kanyang personal at kolektibong pribilehiyong pahayag ang nabigong nasyunal na proyekto na nagkakahalaga ng ilang milyon, na tila nagtuturo sa hindi pinangalanang indibidwal na diumano ay ang responsable dito.

 

 

“Kung papakinggan po ang nasabing talumpati, tila may pinariringgan na hindi naman pinangalanan at may isinasangkot na hindi rin tiniyak kung sino. Medyo nagbubunga ito ng kalituhan,” dagdag ni Fernando.

 

 

“Ang tungkulin ko sa usaping ito ay ginawa ko mula pa sa simula, at patuloy kong itataguyod ang hustisya habang ito ay may nalalabing puwang, gaano man kaliit. Nais ko ring ipahatid sa lahat, wala akong sisinuhin kapag ang kapakanan ng lalawigan ang nasasangkot,” anang gobernador.

 

 

Aniya, maaaring muling pabuksan ang kaso ng Presiding Officer ng Sangguniang Panlalawigan.

 

 

“Kapag lumabas na ang desisyon ng mataas na hukuman in its very final decision, at kung sa pakiramdam ng bawat isa ay hindi nanaig ang hustisya, bilang Sanggunian, may karapatan po kayo na bisitahing muli ang usaping ito,” ani Fernando.

 

 

Ayon sa makatotohanang pagsasalaysay ni dating bokal at ngayon ay Konsehal Abgd. Enrique Dela Cruz, Jr. na hinango mula sa mga dokumento mula sa Korte noong 2013, naglabas ang Sangguniang Panlalawigan na noo’y pinamumunuan ni Fernando ng isang resolusyon na nagbibigay pahintulot sa noo’y gobernador Alvarado na magsampa ng kaso laban sa Southeast Asia Commodities and Food Exchange Inc (SACFEI).

 

 

“Sa maliwanag pong salaysay, hindi nagkulang ang SP sa pangunguna ni Daniel R. Fernando bilang Vice Governor dahil inaksyunan naman po natin. Nagbigay po tayo ng resolusyon upang maisampa ang naturang kaso,” paglilinaw ni Dela Cruz.

 

 

Upang tapusin ang kanyang talumpati, nanawagan si Fernando sa lahat na iwasan ang paggamit ng mga ganitong isyu para sa pulitikal na interes.

 

 

“Matapos ang pagpupulong na ito, ako ay umaasa na matitigil na ang maling alegasyon at insinuasyon laban sa inyong lingkod,” pagtatapos ni Fernando.

 

 

Kasama rin sa joint forum sina mga Bokal Allan Andan, Romina Fermin, Bernardo Ople, Jr., Erlene Dela Cruz, Ramon Posadas, Romeo Castro, Jr., Emelita Viceo, Enrique Delos Santos, Jr., Alex Castro, Allan Ray Baluyut, at Ramilito Capistrano; Provincial Administrator Antonette Constantino; Chief of Staff Atty. Jayric Amil; Provincial Legal Officer Atty. Gabriel Silvera; Consultant Atty. Rustico De Belen; dating mga Bokal Felix Ople at Rino Castro; at Atty. Joey Inocencio.

 

 

Matatandaan na ang NFEx ay idinisenyo na maging processing, storage, at trading center ng mga produktong pang-agrikultura mula sa mga lalawigan sa hilaga ng Metro Manila. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • “ELVIS” SHAKES UP CANNES WITH A 12-MINUTE STANDING OVATION

    THE stars (led by Austin Butler and Tom Hanks) and filmmakers (led by director Baz Luhrmann) of Warner Bros.’ “Elvis” were out in full force at the movie’s gala premiere in Cannes Film Festival, where the film received a 12-minute standing ovation — the longest at this year’s event.       Check out the […]

  • Manila Muslim Cemetry, nilagdaan na ni Isko

    PUMIRMA ng ordinasa si Manila Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso para sa pagpapatayo ng isang sementeryo para sa mga namatay na Muslim na residente ng Maynila sa Manila South Cemetary.   Sa ilalim ng Ordinasa No. 8608, tinawag nitong Manila Muslim Cemetary na may inilaan na P49,300,000 para sa pagpapaayos ng isang bagong […]

  • VP Leni, tablado sa Malakanyang

    TABLADO sa Malakanyang si Vice-President Leni Robredo nang imungkahi nito sa pamahalaan na maglatag ng communication plan para mahikayat ang mga filipino na magpabakuna laban sa COVID-19. Ito’y matapos lumabas sa isang survey na maraming Pilipino pa rin ang duda tungkol sa bakuna. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na matagal ng mayroon at kasalukuyan […]