• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Basas sa PLDT na papalo

SA PLDT Home Fibr Power Hitters na hahambalos sina Toni Rose ‘Chin’ Basas, Christine Joy ‘Eli’ Soyud, Mariella ‘Yeye’ Gabarda at Maria Nieza Viray.

 

 

Pumuwersa ang koponan sa pagpasok nina 5-foot-10 opposite spiker Soyud, 5-foot-8 opposite hitter Basas at 5-foot-10 middle blocker Gabarda na mga naging veteran free agent at mga huling naglaro sa Generika-Ayala Lifesavers. Sa Chef’s Classic huling humataw si Viray.

 

 

“Malaking bagay sila kasi mga experience na, malaking maitutulong sa amin. Sa mga pinanggalingan nilang team, nagagamit sila at malaki ‘yung nakuha nila na exposure dun,” suma ni Fibr coach Rogelio ‘Roger’ Gorayeb.

 

 

Hinirit pa niyang, “Sana mabitbit nila ‘yun sa amin, talagang mapi-fill nila ‘yung gap na nawala sa amin plus malalaki pa sila at mga bata pa.”

 

 

Lilipat na rin ang Power Hitters mula sa semi-professional Philippine SuperLiga (PSL) patungong pro Premier Volleyball League (PVL) na magka-Calambubble training camp sa Inspire Sports Academy sa Laguna sa Abril.

 

 

Kaya nagsilbing huling laro na nito sa 8th PSL Grand Prix 2020 noong Marso na napurnada dahil sa COVID-19. (REC)

Other News
  • Evacuees kay ‘Odette’ tinututukan vs COVID-19

    Nagbabala ang health expert na si Dr. Tony Leachon sa posibilidad na kumalat ang COVID-19 sa Visayas at Mindanao dahil sa pagsisiksikan ng mga nasalantang pamilya sa mga evacuation centers.     Ipinaalala ni Leachon, dating tagapayo ng gobyerno sa COVID-19, na importante na ma-monitor ng pamahalaan ang sitwasyon sa mga lugar na sinalanta ng […]

  • Tsina, dedma lang sa concern na agresyon nito laban sa Pinas; pinaratangan ang administrasyong Marcos na may ‘political agenda’ sa sea row

    DEDMA lang ang Chinese Embassy sa Maynila sa pagpapahayag ng malasakit at pag-aalala ng ilang bansa kaugnay sa agresyon ng Tsina sa Philippine vessels.     Ang katuwiran ng Embahada, hindi naman nila kinakatawan ang international community at malinaw na kumakampi lamang.     Dahil dito, sinisi ng Embahada ang administrasyong Marcos para sa mga […]

  • Maling paggamit ng confidential funds ni VP Sara sa OVP, DepEd umabot sa P612.5-M – Chua

    TINATAYANG umaabot sa P612.5 million ang kabuuang pondo sa ilalim ng confidential funds ang nagastos ni Vice President Sara Duterte sa ilalim ng Office of the Vice President at Department of Education.     Nagpahayag ng pagkadismaya si Manila 3rd District Rep. Joel Chua, sa laki ng halaga na ginastos ng OVP at DepEd na […]