HINDI maituturing na major slip ang ulat ng think tank Economist Intelligence Democracy Index 2020, na umano’y nananatili Raw na bagsak ang sistema ng demokrasya sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kung titingnan ang data result ng democracy index, lumalabas na naungusan talaga ng Taiwan, Malaysia at Timor Leste ang pilipinas.
Subalit, kung hihimaying mabuti ay makikitang mas angat pa ang Pilipinas sa mga developing countries sa Southeast Asia tulad ng Myanmar, Vietnam, Laos, indonesia, Thailand at Singapore,, kung ang pagbabasehan ay ang mas matatag at mas buhay na demokrasya.
Binigyang diin naman ni Sec. Roque, na magsisilbing hamon sa pamahalaan ang naturang survey result para higit pang paghusayin ang mga programa at proyekto ng gobyerno na magbibigay ng mas maayos, mapayapa at mas maginhawang pamumuhay para sa bawat mamamayan ng bansa.
Giit pa nito na ipinapakita rin ng index ranking kung gaano ka-epektibong gumagana ang sistema ng demokrasya sa Pilipinas.
Isang patunay nito ang pagkakaroon ng bansa ng separation of powers kung saan malayang nakakapagdesisyon ang tatlong sangay ng gobyerno na binubuo ng hudikatura, lehislatura at executive branch na nasa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at siya aniyang madalas na biktima ng kritisismo ng mga nasa oposisyon. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)