• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas Pilipinas nangangalabaw ‘Calambubble’ training camp

MARIING tinapakan na ng Gilas Pilipinas o national men’s basketball training pool ang silinyador sa pag-eensayo sa Inspire Sports Academy bubble sa Calamba, Laguna nitong Lunes, Pebrero 8 ngayong wala ng isang linggo bago umalis sa darating na Lunes, Peb. 15.

 

 

Kaugnay ito sa sasabakan ng PH quintet na third and final window ng 30th International Basketball Federation (FIBA) 2021 Asia Cup qualifiers sa Peb.18-22 sa Al-Gharafa Sports Club Multi-Purpose Hall sa Doha, Qatar.

 

 

Sinagip ng Qataris ang hosting na kinansela ng Pilipinas dahil sa Coronavirus Disease 2019 pandemic na dapat sana ay sa Peb. 17-22  ang talbog sa Clark bubble rin sa Angeles, Pampanga.

 

 

Isasalang na rin ng bagong punong abalang Arabong bansa  bukod sa Group A games na kinabibilangan ng ‘Pinas, ang mga aksiyon para sa Groups B at E.

 

 

Aminado ang Samahang Basketbol ng Pilipinas, Incorporated (SBPI) na nalungkot ang PH 5 sa pagkakalipat ng mga laro sa Gitnang Silangan mula sa Perlas ng Silanganan, pero hindi tumutukod sa ensayo sapul nang pumutok ang balita para sa bagong lugar na pagdarausan ng torneo.

 

 

“Our national team was saddened when they found out they won’t be playing in Clark. But they did not slow down with their preparations,” ani SBPI president Alfredo Panlilio. “Now with the pool nearing completion and a definite location for their games, the SBP is confident they will step up into another gear.”

 

 

Nasa unang linggo na ng two-week quarantine niya  si Kai Zachary Sotto bago makasama sa pool dahil galling siya ng Estados Unidos.

 

 

Hinirit ng opisyal na nakikipag-ugnayan pa rin ang SBP sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases (EID) kung paano ang biyahe papunta ng Qatar at pauwi ng Maynila.

 

 

Minamanduhan nina coach Joseph Enrique Uichico at assistant coaches Norman Black at Carlos, Garcia, malamang manguna sa 12man team sina Cchristian Jaymar Perez, Roger Ray, Pogoy, Jeth Troy Rosario, Kiefer Isaac  Ravena, Justin Chua, at Raoul Soyud, at naturalized player candidate Angelo Kouame .

 

 

Mula sa pitak na ito (Opensa Depensa), good luck na lang sa ating Gilas. (REC)

Other News
  • Patuloy na kinakabog ang teleserye nina Kathryn at Daniel: ‘Bolera’ ni KYLIE, record-breaking ang rating dahil tapatan nila ni INA

    INABANGAN talaga ng mga televiewers and netizens ang paglalaro ng billiards nina Kylie Padilla as Jose Maria “Bolera” Fajardo Jr. or si Joni, at ang special guest billiard player na si White Lotus, played by Ina Raymundo.     Ang maganda kasi, mabait at very accommodating ang character ni White Lotus, ‘di tulad nang iba […]

  • Drug stores dinadagsa, paracetamol nauubos

    Patuloy na dinadagsa ng publiko ang mga drugstores sa bansa na nagresulta nga­yon ng pagkaubos ng paracetamol at iba pang gamot para sa lagnat, trangkaso, ubo at sipon na nauuso ngayong Enero.     Sa kabila nito, sinabi ng Department of Health (DOH) na walang nagaganap na kakapusan sa suplay ng paracetamol at iba pang […]

  • Ilagay na ang NCR sa Alert Level 1 sa Marso

    NAGKASUNDO ang mga alkalde sa buong Metro Manila na i-downgrade na ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 1 simula sa darating na Marso 1.     Ayon kay Metro Manila Council chairperson at Parañaque Mayor Edwin Olivarez, ipapadala nila ang rekomendasyon nila sa Inter Agency Task Force (IATF), na siya namang maglalabas nang […]