• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

De Leon, Revilla magiging magkakampi na naman uli

NAAATAT si Philippine Volleyball League (PVL) star Isabel Beatriz ‘Bea’ De Leon ng Choco Mucho Flying Titans na maging kasanggang muli ang kinikilala niyang ate-atehang iniidolo ang tumawid ng nasabing liga na si Dennise Michelle ‘Denden’ Lazaro-Revilla na galling Philippine SuperLiga (PSL).

 

 

“Can’t wait to win a championship with you,” sambit ng 24 na taon,  5-9 ang taas na middle hitter na si De Leon para sa dating alas ng Petron Blaze Spikers na si Lazaro nitong isang araw.

 

 

Noong isang taon dapat pa dapat muling magkakampi ang former Ateneo de Manila University teammates, pero naantala ang 29 anyos at may taas na 5-5 na libero dahil sa Coronavirus Disease 2019.

 

 

“We’re so pumped up to be back together,” hirit pa ni De Leon na ipinanganak sa marikina Marikina at minsan na rin nag-national player.

 

 

“I always love sharing the court with ate Den (Lazaro). It’s been a while. I would love to be in the same side of ate.”

 

 

Ang pagsasama ng dalawa sa Lady Eagles ang nagpakopo rito ng korona sa 77th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2014-15 sa pagwalis sa 16 games.

 

 

Nag-semi-professional PVL si Lazaro saka nag-semi-pro PSL bago babalik sa PVL na isa ng professional league na simula sa taong ito. (REC)

Other News
  • Nagkakamabutihan na ba ang mga Kapuso stars?: BUBOY, nagba-blush at natataranta ‘pag natatanong si FAITH

    NAGKAKAMABUTIHAN na ba sina Buboy Villar at Faith da Silva?     Ito ang tanong na nagpa-blush kay Buboy at parang nataranta siyang naghanap ng isasagot tungkol sa kanilang ni Faith.     Ayon kay Buboy, naging close daw sila ni Faith dahil sa pagsama nila sa musical-comedy segment ng All-Out Sundays. Minsan daw niyang […]

  • Marcial sasamahan ang Philippine boxing team

    Balik Pilipinas na si Eumir Marcial upang makasama ang national boxing team sa paghahanda para sa Tokyo Olympics na idaraos eksaktong tatlong buwan mula ngayon.     Kasamang bumalik ng Pilipinas ni Marcial sina reigning International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas.     Bilang bahagi ng health protocols, sumasailalim pa sina Marcial […]

  • Pope Francis nangako ng halos P6-M na tulong sa mga biktima ng Odette

    NANGAKO  si Pope Francis na mamimigay ng $114,000 o halos P6-M para sa mga biktima ng bagyong Odette.     Ayon sa Vatican na labis na nalungkot ang Santo Papa sa nangyaring pananalasa ng bagyo.     Noong Disyembre ay isinama na rin ng Santo Papa sa kaniyang misa ang mga kalagayan ng mga biktima […]