PDu30, hindi papayagan na makapag-operate ang ABS-CBN
- Published on February 10, 2021
- by @peoplesbalita
IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya papayagan na mag-operate ang ABS-CBN kahit pa bigyan ng Kongreso ng bagong prangkisa ang Lopez-owned network.
Ang katwiran ng Pangulo, kailangan munang bayaran ng Lopezes ang kanilang buwis bago ipilit na makapag-operate.
Malaking kalokohan aniya na kaagad na payagan ng Kongreso ang network na makapag- operate nang hindi man lamang binabayaran ang obligasyon nitong buwis sa gobyerno.
“It’s like you gave them a prize for committing a crime,” diing pahayag ng Punong Ehekutibo.
Plano kasi ng Kongreso na ibalik ang prangkisa ng Lopezes na para sa Pangulo ay wala naman siyang problema kung nais ng Kogreso na ibalik ang operasyon ng ABS-CBN.
“But if you say that they can operate if they already have it, no. I will not allow them. I will not allow the NTC to grant them the permit to operate,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi na ang tinutukoy ay ang National Telecommunications Commission.
“Unless in a deal, the Lopezes would pay their taxes, I will not — I will ignore your franchise, and I will not give them the license to operate,” dagdag na pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)
-
Kai Sotto nagpatattoo; NBA player na ang dating
Ikinagulat ng fans ang video na naka-post sa Instagram ni NBA G-League player Kai Sotto kung saan makikitang puno ng tattoo ang kanang braso nito na parang manlalaro na ng National Basketball Association (NBA). Walang caption pero may tatlong fire emojis ang post na video ng 7-foot-2 na si Sotto at ipinakikitang may bagong […]
-
‘Akyat-bahay’ utas, 2 parak sugatan sa engkuwentro
UTAS ang isang hinihinalang “akyat bahay” suspek matapos umanong tumangging sumuko sa mga pulis habang nakikipag-agawan ng baril sa alagad ng batas sa Quezon City kahapon (Biyernes) ng madaling araw. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Ronnie S Montejo ang nasawing suspek base sa kanyang drivers license at brgy. […]
-
Kings center Bagley III, nagtamo ng injury sa ensayo
Nanganganib na matatagalan bago makapaglaro si Sacramento Kings center Marvin Bagley III dahil sa injury. Nagtamo kasi ito ng injury sa kanang paa noong kasagsagan ng ensayo sa Florida. Agad na itong sumailalim sa MRI at hinihintay pa ng koponan ang resulta nito. Ito na ang pangalawang injury ni Bagley dahil noong […]