PDu30, kailangan din na maging malaya na magdesisyon ukol sa community quarantine classifications
- Published on October 16, 2020
- by @peoplesbalita
KAILANGAN ding bigyan ng kalayaan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magdesisyon hinggil sa community quarantine classifications na ipatutupad sa iba’t ibang lugar sa bansa nang walang pressure mula sa publiko.
Muling inulit ni Presidential spokesperson Harry Roque ang kanyang apela sa OCTA research group na panatilihing pribado ang kanilang quarantine recommendations.
“It was an appeal to them that the President should be given the leeway to decide, to make the correct decisions without being influenced by public opinion,” ayon kay Sec. Roque.
“Of course, you generate public opinion if you publicly make known your recommendations. Of course, we cannot stop them but it was an appeal to them after I express our appreciation for what they have done,” ang pahayag nito
Sa ulat, sinabi ni OCTA research team member Guido David na kinukunsidera nila ang kanilang policy recommendations bilang bahagi ng public service.
Giit nito na hindi sila binabayaran ng pamahalaan para gawin ito.
Madalas na gumagawa ang Pangulo ng kanyang desisyon ukol sa pagtugon sa COVID-19 kabilang na ang pagpataw o pagpapairal ng lockdown, base sa inputs ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infec- tious Diseases (IATF), na pinamumunuan ni Health Secretary Francisco Duque III.
Nauna rito, hinikayat ng Malakanyang ang mga eksperto ng University of the Philippines na iwasan ang pagsasahimpapawid ng kanilang mga suhestiyon hinggil sa pandemic lockdowns at sa halip ay iparating ang mga ito “privately” sa mga awtoridad.
Ang OCTA Research team ay kinabibilangan ng mga eksperto mula sa University of the Philippines at University of Santo Tomas na mayroong regular projections sa coronavirus infections sa bansa at mayroong “1 or 2 epi- demiologists which is not the same number of experts” na nakikipag-ugnayan sa inter- agency task force na nangunguna sa pagtugon sa pandemiya.
“I wish they would refrain from making these recommendations publicly. They can probably endorse or course their recommendations privately to the IATF, nang hindi naman po napapangunahan, highlighting the fact that classifications are normally announced by no less than the President himself,” ayon kay Sec. Roque.
“If the IATF itself does not make public its recommendations to the President, sana the OCTA team— and this is really an appeal para hindi nagkakagulo (so that there will be no confusion)— can also course their recommendations to the IATF privately,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay tugon sa kamakailan lamang na rekumendasyon ng OCTA group na ilagay ang bahagi ng Bauan, Batangas, Calbayog, Western Samar, at General Trias, Cavite sa ilalim ng stricter lockdowns.
Samantala, pinayagan naman ang mga provincial governors na magdesisyon sa lockdowns sa kani-kanilang bayan kasama ang kanilang regional IATFs. (Daris Jose)
-
INAGURASYON NG GREENHOUSE FACILITY SA NAVOTAS
MAGKAKAROON na ngayon ang mga Navoteño ng karagdagang pagkukunan ng sariwa at organic na ani ng gulay kasunod ng inagurasyon ng pasilidad ng greenhouse facility ng lungsod, nitong Lunes. Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Department of the Interior and Local Government Undersecretary Marlo Iringan at National Capital Region Assistant Regional Director […]
-
“WONKA” SERVES UP AN EARLY CHRISTMAS TREAT ✨ RELEASE DATE MOVED UP TO DECEMBER 6 IN PH, ONE WEEK AHEAD OF THE U.S.
STEP into a world of pure imagination, and get ready for an early Christmas present! The release date for the much-anticipated “Wonka,” starring Timothée Chalamet as the beloved chocolate-maker, has been moved up to December 6 (formerly January 2024 yet) in international markets, including the Philippines. Thus, Filipino fans will be among the first to […]
-
249-K doses ng Moderna COVID-19 vaccines dumating na sa bansa
Dumating na sa bansa ang 249,600 doses ng Moderna COVID-19 vaccines. Dakong alas-11 ng gabi ng Hunyo 27 ng lumapag ang eroplanong pinaglagyan ng nasabing bakuna sa terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport at sinalubong ni vaccine czar Carlito Galvez ang mga bakuna. Ayon sa National Task Force Against COVID-19 na […]