• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DAGDAG KAPAPASIDAD SA SIMBAHAN PARA SA VACCINATION WALANG PINAG-USAPAN

WALA umanong napapag-uasapan kung may kahilingan ang  Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na dagdagaan ang kapasidad ng mga simbahan  para sa vaccination program ng pamahalaan.

 

Ayon kay Manila  Vice Mayor  Honey Laguna-Pangan sa ginanap na virtual forum ng Department of Heatlh (DOH) , ang napag-uasapan lamang aniya ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si Bishop Broderick Pabillo  ay ang iniaalok na mga simbahan at mga eskuwelahan na maaring gawing vaccination sites.

 

Ito ay kasunod umano ng panawagan na dagdagan ang kapasidad sa simbahan .

 

Sinabi pa ni Laguna-Pangan na  wala namang nabanggit si Bishop Pabillo sa kanila na humihiling sila na taasan o dagdagan ang kapasidad sa simbahan.

 

Ang 50% capacity  na ibinigay naman aniya sa kanila ay tolerable naman vaccination program  dahil kaya naman aniyang  ipatupad ang health protocol .

 

Napag-usapan lamang aniya na tutulong  ang Simbahan kung saan bubuksan ang kanilang mga schools at churches para makatulong sa vaccination site para sa lungsod ng Maynila.

 

Sinabi naman ni Health Usec Maria Rosario na kailangan pa ring dumaan  sa IATF ang mga ganitong bagay .

 

Ayon kay Vergeire, kapag may nagre-request na mga sector para magkaroon ng kaunting kaluwagan sa itinalagang pamantayan ng IATF ay kailangan munang dumaan sa proseso.

 

Kailangan lamang umanong magsumite ng request letter sa IATF upang matalakay ng mga opisyal. (GENE ADSUARA)

Other News
  • 242 na mga dayuhan pinagbawalang pumasok sa bansa

    PINAGBAWALAN ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok ng bansa ang may 242 na mga dayuhan na pinaghihinalaang illegal na magtratrabaho.   Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang pagbabawal ay kasunod nang pagbabalasa ng ilang opisyal sa NAIA mula sa kanilang kasalukuyang puwesto dahil sa nabulgar na “pastillas” scheme.   […]

  • Marcos sa political dynasties: ‘Kung gusto maglingkod, hindi mapipigilan’

    KAHIT BAWAL sa Article II Section 26 ng 1987 Constitution ang political dynasties, ipinipilit ni presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi dapat pigilan ang sinumang gustong pumasok sa serbisyo publiko — pwede naman daw kasi mawala ang political clans kung ‘di na iboboto ng tao.     “You cannot stop people from wanting […]

  • Puring-puri ang mga co-stars sa ‘Saving Grace’: SHARON, aminadong nahirapan sa mga eksena dahil sa ‘jetlag’

    MAY mahabang kuwento si Megastar Sharon Cuneta na ibinahagi sa kanyang Facebook post.   Panimula ni Mega… “Hello again! Just a bit of kuwento for my FB Family.   “Kiko, Miguel and I, together with Yaya Hanzel arrived from New York on the morning of September 5. It was a looong flight (and I usually […]