• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dela Pisa desididong manalo ng gold medal

PURSIGIDO si national gymnast Daniela dela Pisa na magwagi ng gold medal sa 31st Southeast Asian Games 2021 na sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre 21-Disyembre 2.

 

 

Kaya bigay todo na siya sa paghahanda sa kasalukuyan sa tuwing ikalawang taong paligsahan para sa 11 bansa.

 

 

Kababalik lang Hungary training camp ng 17-anyos na dalagita sa layuning mapantayan, hindi man mahigitan ang tagumpay sa women’s rhythmic gymnastics hoop event ng 30th SEA Games PH 2019.

 

 

“She’s back in Hungary training,” pahayag nitong isang araw ni national coach Whynn Reroma patungkol kay Dela Pisa. “She’s already preparing for the SEA Games in Vietnam.”

 

 

Bukod sa hoop gold medal, dumale rin si Dela Pisa ng dalawang bronze medal sa ball at club events sa huling edisyon ng palaro kung saan defending overall champion ang mga atletang Pinoy. (REC)

Other News
  • Pondo ng NTF-ELCAC gawin na lang ayuda

    Matapos ang red-tagging sa mga organizer ng community pantry, nais ng ilang senador na tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).     Sa tweet ni Sen. Joel Villanueva, sinabi niya na ang kasalukuyang P19 bilyon budget ng NTF-ELCAC sa susunod na budget ay ilaan para sa ayuda, habang […]

  • Kapangyarihan ng Senado sa pagbawi sa anumang tratado, iginiit

    SUMUGOD sa Supreme Court ang limang senador sa pangunguna ni Senate President Vicente Sotto III upang humingi ng ruling kung may kapangyarihan ang Senado sa pagbasura ng anumang tratado tulad ng Visiting Forces Agreement (VFA).   Dakong ala-1:30 kaninang hapon nang ihain ng abogado ng Office of the Senate President ang naturang petisyon o ang […]

  • Nanghihinayang nang ‘di nasamahan… ANDREW, apektado sa pagpanaw ni RONALDO na tinuring na ring lolo

    MARAMI ngang nagulat sa biglaang pagpanaw ng beterano at premyadong aktor na si Ronaldo Valdez, kaya nagluluksa na naman ang entertainment industry.     Marami ring kapwa-artista ang may kanya-kanyang post na karamihan ay naging close at na-touch sa kabaitan ng aktor at isa si Andre Gan Calupitan na nakasama niya sa ‘2 Good 2 […]