• June 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kapangyarihan ng Senado sa pagbawi sa anumang tratado, iginiit

SUMUGOD sa Supreme Court ang limang senador sa pangunguna ni Senate President Vicente Sotto III upang humingi ng ruling kung may kapangyarihan ang Senado sa pagbasura ng anumang tratado tulad ng Visiting Forces Agreement (VFA).

 

Dakong ala-1:30 kaninang hapon nang ihain ng abogado ng Office of the Senate President ang naturang petisyon o ang “petition for declaratory relief and mandamus.”

 

Sa kanilang petisyon para sa declaratory relief at mandamus, hiniling nina Sotto kabilang sina Senador Ralph Recto, Juan Miguel Zubiri, Franklin Drilon, Richard Gordon at Panfilo Lacson na ideklara na ang anumang tratado na pinagtibay ng Senado na dapat magkaroon ng concurrence ang Mataas na Kapulungan kapag ibinasura.

 

Anila, kailangan magpalabas ng kautusan ang SC na inaatasan ang respondents na kailangan magkaroon ng concurrence ang Senado sa Notice of Withdrawal alinsunod sa Section 21, Article VII ng 1987 Constitution.
Inihain ang petisyon isang buwan matapos ibasura ni Pangulong Duterte ang VFA dahil binawi ng State Department ang visa ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

 

Tinukoy na respondents sa petisyon ng mga senador sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr.

 

“The petition seeks a definition of the “constitutional boundaries” of the powers of the Senate and the executive branch of government, and does not concern the VFA alone,” ayon kay Drilon.

 

Sinabi naman ni Sotto na iginigiit lamang sa petisyon ang kapangyarihan ng Senado sa pagbawi ng anumang tratado.
“‘Yung ganitong klaseng kabigat na agreement na mahirap pasukan, napakahirap ng pagkakapasok dito, hindi pwedeng tapusin ‘to ng isang sulat lang. Hindi ganon kadali ang pananaw namin,” aniya.

 

Ngayong araw, may En Banc session ang Korte Suprema pero wala pang katiyakan kung makasasama ang petisyon ng mga senador sa agenda.
(Ara Romero)

Other News
  • No. 2 MWP ng Malabon natimbog ng NPD sa Rizal

    NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang tinaguriang listed No. 2 Most Wanted Person ng Malabon city matapos maaresto ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa kanyang pinagtataguan sa Baras, Rizal.     Kinilala ni NPD District Special Operation Unit (DSOU) head PLTCOL Jay Dimaandal ang naarestong suspek na si Gian Carlo Padua, 31 […]

  • DOH: Publiko gustong mauna sa bakuna ang government officials

    Nais umano ng taumbayan na makita na maunang magpabakuna ang mga opisyal ng pamahalaan bago sila sumailalim sa ‘vaccination’, ayon sa Department of Health (DOH).     Sinabi ni Dr. Beverly Ho, DOH Director for Promotion and Communication Service, ito ang resulta ng isinagawa nilang “focus group discussions (FGD)” kung saan tinitignan ng publiko ang […]

  • NAVOTAS, DOH, PHILHEALTH lumagda sa MOU para sa UHC INTEGRATION SITE

    PUMASOK ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa isang Memorandum of Understanding sa Department of Health (DOH) at PhilHealth para sa pagtatatag ng integrated city-wide health system sa Navotas, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-17th cityhood anniversary nito.       Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang MOU, kasama si Dr. Rio Magpantay, Regional Director […]