• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obiena nagtatak ng PH record

TULOY ang pag-angat ng tikas ni national athlete Ernest John ‘EJ’ Obiena sa pagsasanay at paghahanda para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na iniurong lang sa parating na July 23-August 8.

 

 

Patotoo ang magarang umpisa niya sa taong 2021 sa pagtatala ng bagong national indoor pole vault record maski pumanlima lang sa kadaraos na Karlsruhe Indoor Meeting sa Germany.

 

 

Tagumpay niyang nilundag at nakatawid ang bar sa taas na 5.62 meteres na tumaklob sa sarili niyang PH  mark na 5.43m na naestablisa noong Pebrero 4, 2017 sa 18th International Pole Vault Meeting sa Potsdam, Germany din.

 

 

“It is a good start in building momentum for the Summer Games this July,” reaksiyon nitong isang araw ni Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) president Philip Ella Juico. (REC)

Other News
  • JULIE ANNE, dream come true na makita ang billboard ads sa Times Square; kasama ang ‘Free’ sa EQUAL Playlist ng Spotify

    INAMIN ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose na dream come true sa kanya na makita ang billboard ads niya sa pamosong Times Square sa New York City.     At nangyari na nga ito dahil sa EQUAL Playlist ng Spotify.     Pinost niya sa kanyang Instagram ang photos at may caption na, […]

  • Phil. boxing team hindi lamang target na makahakot ng medalya

    HINDI  lamang nakatutok ang mga boksingero ng bansa na makahakot ng medalya sa paglahok nila sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Sinabi ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary-general Marcus Jarwin Manalo na kung tutuusin aniya ay kaya nilang higitan ang nakamit ng boksingero ng bansa noong 2019 […]

  • Pinas prayoridad sa COVID-19 vaccine – Chinese exec

    Nangako ang China na bibigyang prayoridad ang Pilipinas sakaling makabuo ito ng bakuna laban sa COVID-19.   Ito ang sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin matapos ang pag-uusap sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese leader Xi Jinping.   Ayon kay Wang, na sa simula pa lamang ng COVID-19 outbreak ang Pilipinas […]