Dimaculungan tawid sa PLDT
- Published on February 12, 2021
- by @peoplesbalita
PINALAKAS ni multi-titled volleybelle Rhea Katrina Dimaculangan ang PLDT Home Fibr sa pagtawid dito makaraan ang ilang taong paglalaro sa Generika Ayala Lifesavers at Petron Blaze Spikers sa Philippine SuperLiga (PSL).
Isiniwalat kamakalawa ng Power Hitter ang bagong puwersa na magpapasiklab sa koponan na gagabayan pa rin ni coach Rogelio ‘Roger’ Gorayeb kasunod sa paglipat din ng team mula sa semi-professional PSL pa-pro Premier Volleyball League (PVL).
Huling umaksyon sa 8th PSL 2020 Grand Prix na binulilyaso lang ng Coronavirus Disease 2019 noong Marso ang 29 na taon, 5-8 ang taas na Batangueña setter sa Lifesavers makalipas makatatlong taon sa Petron.
Ilan pa sa mga bagong salta sa Home Fibr ay sina Maria Lina Isabel ‘Isa’ Molde, Maristela Genn ‘Marist’ Layug, Toni Rose ‘Chin’ Basas, Christine Joy ‘Eli’ Soyud, Mariella ‘Yeye’ Gabarda at Maria Nieza Viray.
Susulong ang training camp muna sa Abril ng PVL sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bago buksan ang 2021 tournament sa Mayo. (REC)
-
Thirdy balik Gilas Pilipinas
Muling pumasok sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ang Gilas Pilipinas para paghandaan ang FIBA Asia Cup na idaraos sa susunod na buwan sa Jakarta, May 19 players ang nasa Calambubble kasama si Thirdy Ravena ng San-En NeoPhoenix. Nagbalik si Ravena sa pool matapos ang kanyang huling laro suot ang […]
-
WANTED SA PANANAKIT SA KA-LIVE-IN NA BUNTIS, ARESTADO SA MALABON
ISANG lalaking wanted dahil sa pananakit sa kanyang walong buwan buntis na live-in partner ang arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, si Rickman Serafin, 30 ng Blk 14G, Lot 14, Teacher’s Village, Brgy. Longos ay […]
-
Ads March 12, 2021