• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tropang Giga hinugot si Khobuntin

Kaliwa’t kanan ang galawan sa PBA kaya’t asahan ang mas matinding bakbakan sa pagbubukas ng Season 46 sa Abril sa isang bubble setup.

 

 

Hinugot ng Talk ’N Text si Glenn Khobuntin mula sa free agency para makatulong sa frontline ng Tropang Giga.

 

 

Nakapagtala si Khobuntin ng averages na 7.8 points at 2.4 rebounds sa huling season nito sa Terrafirma noong PBA Season 45 Philippine Cup sa Clark bubble.

 

 

Makakatuwang ni Khobuntin sa Tropang Giga si Troy Rosario na katropa nito sa National University gayundin sina Poy Erram, Jay Washington, David Semerad at Lervin Flores.

 

 

Magkasama sina Khobuntin at Rosario nang tulungan nila ang Bulldogs na makopo ang kam­peonato sa UAAP Season 77.

 

 

Sa kabilang banda, nagpasya ang pamunuan ng Rain or Shine na hindi na irenew ang kontrata nina Ryan Araña at Kris Rosales.

 

 

Wala pang linaw kung magreretiro na o magtutuloy pa sa paglalaro si Araña.

 

 

Ilan pa sa mga galawan ang pagkuha ng Barangay Ginebra kay MJ Ayaay.

Other News
  • Safety Seal Certification, inilunsad sa Navotas

    INILUNSAD sa Lungsod ng Navotas ang Safety Seal Certitification program para sa pagpapakita ng pagsunod ng business establishments sa minimum health standards.     Pinangunahan ni nina Congressman John Rey Tiangco, Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya at Vice-Mayor Clint Gernonimo launching at Ceremonial Awarding nito na ginanap sa Puregold Navotas […]

  • “RESIDENT EVIL: WELCOME TO RACCOON CITY” UNLEASHES NEW TRAILER

    EVIL can’t be contained. Watch the new trailer for Columbia Pictures’ Resident Evil: Welcome To Raccoon City now. Exclusively in Philippine cinemas starting December 15, 2021.     YouTube: https://youtu.be/Qu9IgB0yG6k       About Resident Evil: Welcome to Raccoon City     Returning to the origins of the massively popular Resident Evil franchise, fan and filmmaker Johannes Roberts brings the […]

  • 2 INARESTO SA PROSTITUSYON, 9 NA KABABAIHAN, NI-RESCUE NG NBI

    INARESTO ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division  (NBI-CCD) sa General Mariano Alvarez, Cavite  ang dalawang indibidwal na nag-aalok ng sex workers  sa dalawang kababaihan sa pamamagitan ng social media       Kinilala ang mga naaresto na si Rodel Miranda y Canoy, alias Gigzo at Jesus Manuel Genio y Bustamante, alias, Buboy.     Nag-ugat ang […]