1st batch sana ng COVID-19 vaccines, maaantala ang pagdating sa bansa – Dizon
- Published on February 13, 2021
- by @peoplesbalita
Inianunsyo ng National Task Force na maaantala umano ang pagdating ng unang batch ng COVID-19 vaccines mula sa Pfizer at AstraZeneca.
Inaasahang ngayong linggo sana darating ang 117,000 doses ng bakuna at magagamit na Pebrero 15.
Sinabi ni National Task Force deputy chief implementer Vince Dizon, nagkaroon ng delay sa pagproseso sa delivery ng mga bakuna kaya posibleng sa susunod na linggo o ikatlong linggo ng buwan darating sa bansa.
Una rito, kinumpirma ng Malacañang na darating na sa bansa ang Sinovac vaccines mula China sa Pebrero 23 ngayong taon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, 600 libong doses ng Sinovac ang inaasahang darating, 100 libo rito ay donasyon ng China sa Department of National Defense (DND) para sa mga sundalo.
Sa ngayon ay hindi pa naaprubahan ng Food and Drug Administration ang aplikasyon ng Sinovac para sa emergency use authorization (EUA) dahil kasalukuyan pa rin itong pinag-aaralan ng vaccine expert panel.
Gayunman, inihayag ni Sec. Roque na mayroon nang katulad na sitwasyon ang Sinovac sa Indonesia, kung saan nauna itong dumating sa kanilang bansa kahit wala pang EUA.
Kaya ang ginawa umano rito ay hinintay muna nilang mailabas ng regulatory body roon ang EUA na inabot ng isang buwan bago ginamit ang bakuna.
-
Pinas, mas pinili ang mapayapang resolusyon sa alitan sa SCS -PBBM
NANANATILI si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang posisyon na plantsahin sa pamamagitan ng mapayapang resolusyon ang territorial dispute sa South China Sea (SCS) kasama ang China at Iba pang claimants. Sinabi ni Pangulong Marcos kina Vietnamese President Vo Van Thuong at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh sa magkahiwalay na pakikipagpulong […]
-
Special Education Learners sa Navotas, binigyan ng tablets
NAKATANGGAP mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga tablets ang aabot sa 312 tablets para sa Learners with Special Education Needs (LSENs) na mga residente ng lungsod. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ito ay mula sa pondo ng Gender and Development (GAD) ng lungsod. Maliban sa mga tablet na […]
-
70% ng PH COVID-19 cases gumaling
Gumagana ng maayos ang healthcare system ng bansa, patunay na rito ang umanoy pagtaas ng bilang ng mga gumagaling sa coronavirus disease ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Policy Against COVID-19. Ipinagmalaki ni Galvez ang datos noong Setyembre 2 na nagpapakita na 158,610 o 70 porsyento ng kabuuang pasyente sa COVID-19 […]