• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IRR ng child car seat law kinuwestyon ng mambabatas, posible umanong magamit sa katiwalian

Ibinunyag ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon na mayroong pagkakasunduan sa pagitan ng mga miyembro ng House Committee on Transportation na irekomenda ang suspensyon sa implementasyon ng Republic Act 11229 o ang Child Safety in Motor Vehicles Act, at nais nilang maghain ng panukala para isuspindi ang naturang batas.

 

 

Bagama’t binigyang-diin niya ang pangangailangan na magkaroon ng patakaran at panuntunan upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata, nais ni Biazon na maging malinaw ang usapin hinggil sa kung papaano ito ipapatupad ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Office (LTO).

 

 

“Isang point ang gusto kong i-raise sa implementation ng law, ‘yung nilalaman ng Implementing Rules and Regulations (IRR) na pinatupad ng DOTr at LTO. Specifically ito ‘yung pagbuo ng tinatawag na fitting stations,” ani Biazon.

 

 

Sinabi ni Biazon na ang ‘fitting stations’ ay maaaring lugar o opisina kung saan ay ginagawa ang inspeksyon ng pagkakabit at wastong paggamit ng child seat restraints. Subalit ang pagbuo ng ‘fitting stations’ ay hindi kasama sa batas, ayon pa sa kanya.

 

 

“Ang problema natin diyan, aside from wala kasi ‘yan sa batas, ang sistemang ipapatupad nila ay meron pang accreditation. In other words, meron pang certain number of fitting stations na bibigyan ng accreditation ng LTO para magsagawa ng fitting ng child restraint devices,” punto niya.

 

 

Bukod sa karagdagang pahirap ito sa mga motorista, sinabi ni Biazon na ang akreditasyon ng mga fitting stations ay maaaring magamit sa katiwalian.

 

 

“Kapag may discretion na involved, there is an opportunity for corruption. Alam naman natin na ang motoring sector is one of the most highly regulated sectors at tsaka very prone to corruption kaya isa ‘yun sa mga points na ire-raise ko against sa IRR ng batas,” aniya.

 

 

Tinukoy rin ni Biazon na ang paglikha ng private motor vehicle inspection center ay isa na namang pahirap sa pinansya ng mga mamamayan, na hindi na kinakailangan, at kanyang hinimok na maghanap ng iba pang pamamaraan upang magpatupad ng kaligtasan sa mga sasakyan.

 

 

“Nagawa na ng pamahalaan ang ganitong serbisyo noon, ‘yung evaluating the vehicle as it is being registered. Pardon the suspicion pero ang dating kasi ‘nun, nakakita ng opportunity para makapagnegosyo.” (ARA ROMERO)

Other News
  • Christmas party sa mga paaralan gawing simple – DepEd

    HINILING ng Department of Education (DepEd) sa mga pampublikong paaralan na gawing simple pero makabuluhan ang gagawing Christmas party kaugnay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.     Sa naipalabas na DepEd Order No. 052-2022, na nilagdaan ni Vice President at Education secretary Sara Duterte, nakasaad dito na kailangang magtipid dahil sa kasalukuyang kundisyon ng ekonomiya ng […]

  • CHECK OUT THE MAIN POSTER ART FOR “A MAN CALLED OTTO”

    “He likes people…to leave him alone.”  Columbia Pictures has released the official main poster art for Tom Hanks heartwarming comedy/drama A Man Called Otto.  Check it out below watch the film in Philippine cinemas January 2023.   [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/tCsSuaVsMIw]   About A Man Called Otto   Based on the comical and moving # 1 New York Times bestseller, A […]

  • Carterruo, 4 na iba pa kasali sa Triple Crown

    NASA limang batang kabayo ang tinatayang mga mga magpapasiklaban sa 2020 Philippine Racing Commission o PHILRACOM 1st Leg Triple Crown Stakes Race 2020 bukas, Linggo (Oktubre 4) sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.   Nasa listahan sina Carterruo, Four Strong Wind, Runway, Tifosi at Heneral Kalentong na mga magbabakbakan sa distansyang 1,600 metro. […]