Catantan tumagpas ng 3 panalo sa Ohio fencing
- Published on February 13, 2021
- by @peoplesbalita
NILADLAD kaagad ni Pennsylvania State University Nittany Lion athletic scholar Samantha Kyle Catantan ang bangis ng isang Pinay nang tumagpas ng tatlong panalo sa Ohio State Invitational linggong nagdaan sa Columbus,USA.
Unang nakaeskrimahan ng PSU men’s at women’s fencing teams sa torneo ang mga koponan ng Notre Dame, Duke at North Carolina.
At sa report PSU na nasilip ng People’s BALITA, gumapas ng 3-0 rekord ang 19 na taong gulang na fencer mula sa Tondo, Maynila nang umiskor ng ng 7-2 win-loss record Nittany Lion sa women’s foil event ng torneo.
Unang homegrown na kinuha ng US National Collegaite Athletic Association (NCAA), nakadale ng ng gold medal si Catantan sa individual foil ng 2019 Asian Under-23 Championship sa Thailand at sa sabi ring torneo sa women’s team foil naman noong 2018 sa Pasig, Metro Manila.
May naespada rin siyang dalawang bronze medal sa nasabing mga event sa PH 2019 Southeast Asian Games.
Si Catantan din ang instrumentoi ng University of the East Junior Warriors na nakasiyam na sunod na kampeon sa girls division ng 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) high school fencing 2019-20. (REC)
-
Libreng bakuna vs Pertussis, larga na sa Maynila
LARGA na ang 44 health centers ng lungsod ng Maynila sa pagbibigay ng libreng bakuna laban sa nakamamatay na sakit na Pertussis na karaniwang tumatama sa mga sanggol o bata. Nanawagan si Mayor Honey Lacuna sa mga magulang at guardian na dalhin ang mga anak na bata sa pinakamalapit na health center at […]
-
‘Maximum tolerance’ tiniyak ng PNP sa paglabas ng mga bata
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kanilang paiiralin ang “maximum tolerance” sa pagpapatupad sa panibagong protocol ng Inter Agency Task Force hinggil sa pagpayag na lumabas na rin ang mga bata sa iilang lugar. Inihayag ito ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar kasabay ng paalala sa mga magulang na kailangan pa rin […]
-
Erolon pipirmi sa Falcons
TAPAT! Mananatili sa pugad ng Adamson University ang AdU High School Baby Falcon basketball player na si John Mathroven ‘Matty’ Erolon. Nag-commit siyang sa AdU Soaring Falcons para lilipad para sa 84th University Athletic Association of the Philipines 2021-22. Ito ay bilang pagganti ng utang na loob o pasasalamat sa […]