Lee maangas ang workout, sasabay pa rin sa mga bata
- Published on February 13, 2021
- by @peoplesbalita
PAMBIHIRA magpakondisyon sa ngayon si Philippine Basketball Association (PBA) star Paul John Dalistan Lee ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok.
Pinagpepreparahan ng 31-anyos, 6-0 ang taas na Angas ng Tondo ang 46th PBA 2021 Philippine Cup na balak umpisahan sa darating na Abril 9 makaraan ang Online 36th PBA Draft 2021 sa Marso 14.
Ipinahayag sa isang sports portal ng basketbolista, na diskarte niya upang makasabay pa rin sa maraming mga batang papasok sa pros.
Maraming guards ang 97 aspiranteng maging bagitong makapaglaro para sa unang propesyonal na liga ng basketbol sa Asia.
Dinokumento ilang araw pa lang ang ang walang tigil na workout ng combo guard sa tulong ni Nicolo Chua ng Simple Grind sa pagpapaskil sa kanyang Instagram account.
“Don’t be the same. Be better,” bulala ni Lee sa isang litrato sa caption. “Eat, train, sleep, repeat.”
Tumama sa pro league star ding si Lewis Alfred ‘LA’ Tenorio ng Barangay Ginebra San Miguel ang tinumbok ni Lee.
Anang Tinyente, malinaw aniya nasapawan siya.
“Dahil sa ginagawa mo parang gusto ko nang mag-retire, eh, grabe ka pakundisyon pre!” komento ni Tenorio kay Lee. Sister company ang kanilang mga team nap ag-aari ni Rmn S Ang o ng San Miguel Corporation.
Hinagalpakan na lang ng tawa ni Lee, pinahagingan ang dahilan ng matinding workout.
“Naghahanda lang ako maraming bata na papasok,” anang Lee-thal Weapon kay Tenorio. “Para tumagal pa tayo, kuya.”
Pareho nang nagkakaedad ang dalawa pero sumasabay pa rin naman sa mga mas nakababatang karibal sa 10 iba pang team sa liga.
Ipagdiriwang ni Lee ang ika-32 kaarawan sa Araw ng mga Puso (Pebrero 14), samantalang ang ang PBA Ironman ay 36 anyos na.
Tama iyang diskarte mo Paul.
Advance happy birthday na rin.
***
Belated happy birthday to Mr. Efren S. Eustaquio Sr. of Barangay San Carlos, Binangonan, Rizal. (Tatay ‘Ef’) turns 80 years old last Friday, February 12. May you have more birthdays to come po! (REC)
-
1 sugatan, 20 tahanan sa sunog
SUGATAN ang isang lalaki matapos na mabagsakan ng kawad ng kuryente habang nadamay ang may 20 bahay ang nadamay sa naganap ma sunog sa isang residential house, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila. Isinugod sa pagamutan ang biktima nakilalang si Michael Floranza, 37, na nagkaroon ng sugat sa kaliwang paa matapos umanong mabagsakan ng […]
-
Ads October 9, 2023
-
PBBM inaprubahan ang July 29 na pagbubukas ng klase
BILANG tugon sa mga alalahanin ng publiko ukol sa iskedyul ng mga klase, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na simulan na ang pagpapanumbalik sa school calendar ng bansa sa ‘traditional arrangement.’ Dahil dito ang pagbubukas ng klase para sa school year 2024-2025 ay magsisimula sa Hulyo 29 ngayong taon at magtatapos […]