1 sugatan, 20 tahanan sa sunog
- Published on October 3, 2020
- by @peoplesbalita
SUGATAN ang isang lalaki matapos na mabagsakan ng kawad ng kuryente habang nadamay ang may 20 bahay ang nadamay sa naganap ma sunog sa isang residential house, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.
Isinugod sa pagamutan ang biktima nakilalang si Michael Floranza, 37, na nagkaroon ng sugat sa kaliwang paa matapos umanong mabagsakan ng kawad ng kuryente sa kasagsagan ng sunog.
Ayon sa Manila Fire Department, pasado alas-7:00 kamakalawa ng gabi nang magsimulang sumiklab ang sunog sa panulukan ng Galicia at Aranga Streets, sa Sampaloc.
Nabatid na ang apoy ay nagsimula sa isang tatlong palapag na tahanan sa 616-F Aranga Street, na pagma-may- ari ng isang Nora Nocedal.
Hindi kaagad naapula ang apoy dahil kinapos sa tubig ang mga fire truck at may kalayuan ang fire hydrant sa lugar ng sunog.
Alas 11:26 na ng gabi nang tuluyang ideklarang fireout ng mga awtoridad ang sunog, na umabot ng ikatlong alarma.
Habang ang mga nasunugan na residente ay nagkanlong sa isang bakanteng lote malapot sa lugar bitbit ang mga naisalbang kagamitan.
Sanhi nang naganap na aunog hindi na nasunod ang physical distancing sa pagmamadali ng mga nasunugan na makapagsalba ng kanilang kagamitan.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog kung saan tinatayang nasa P300,000 ang napinsalang ari- arian. (Gene Adsuara)
-
Ads October 9, 2023
-
DTI nilinaw na para sa international promotion ang pagluluto ng adobo standards
Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na para lamang sa international promotions ang panukalang adobo standard at hindi ito mandatory standard sa mga kabahayan. Ayon sa DTI na ang panukala na magkaroon ng standard recipe para sa mga pagkaing Pinoy gaya ng adobo na magkaroon ng traditional recipe ay naisip para […]
-
Boxing legend Oscar De la Hoya nakalabas na sa pagamutan matapos dapuan ng COVID-19
Nakalabas na sa pagamutan si boxing legend Oscar De la Hoya matapos na magpositibo ito sa COVID-19. Sa kaniyang social media account, nag-post ito ng video sa kaniyang pinagdaanan. Sinabi nito na tatlong araw siyang nanatili sa pagamutan matapos na tamaan siya ng nasabing virus. Nasa magandang kalusugan na […]