• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JANE, pinangarap talaga na makapasok sa teleserye ni COCO kaya okay lang kahit maging kontrabida

KALABAN ba o kaaway ni Cardo Dalisay (Coco Martin) ang karakter na ginagampanan ni Jane de Leon?

 

 

Dream come true para kay Jane na makabilang sa long-running series na FPJ’s Ang Probinsiyano at napapanood sa Kapamilya Network. She is playing the role of Captain Lia Mante, na isang sniper sa serye.

 

 

Pangarap daw niya talaga na makapasok sa teleserye ni Coco. Noong magsimula siya sa showbiz ay ini-imagine na niya na what if alukin siya ng role sa Ang Probinsyano? Anong role kaya ibibigay sa kanya.

 

 

Jane was only 15 nang magsimula sa ere ang serye ni Coco. Kaya naman laking tuwa niya upon learning na she will be part of the series at maganda ang role na ibinigay sa kanya. May pagka-astig ang role niya bilang Lia Mante.

 

 

Unang nabigyan ng break si Jane sa Halik bago siya napili gumanap bilang Darna. Siya ang gumanap na kapatid ni Jericho Rosales. That was her first ever teleserye. Sa ngayon ay pinag-aaralan niyang mabuti ang role nia bilang Lia Mante.

 

 

Okay lang naman kay Jane na gumanap bilang kontrabida, maging bahagi lang ng isang sikat na programa tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

Ayon pa kay Jane, malaking tulong ang Ang Probinsyano para manatili siyang physically fit na kailangan naman niya sa Darna series.

 

 

“Unang una yung endurance ko, kasi matagal ako nag-stay sa bahay, eh. Bawal lumabas so kailangan kong tumakbo ulit, mag-exercise, hindi lang sa pagbubuhat. And siyempre yung pag-aarte ulit, yung kailangan ko mag-explore inside Ang Probinsyano, kung ano yung nabibigay nila sa aking aral na kailangan kong i-develop and puwede kong ibigay sa character.       

 

“Marami akong natutunan sa buhay pa lang ni CM (Coco Martin), dun pa lang sa loob ng set, marami po,” wika pa ni Jane.

 

 

***

 

 

KAHIT na pandemic, in demand si Direk Joel Lamangan.

 

 

Katatapos lang niya i-shoot ang Silab for 3:16 Productions. Ito ang launching film ni Cloe Barreto, na tinatampukan din nina Jason Abalos at ipinakikilala si Marco Gomez.

 

 

Recently shown ay ang Anak ng Macho Dancer for Godfather Productions ni Joed Serrano. Pinag-usapan ang pelikula dahil sa mga maiinit na eksena ng mga bida, led by Sean De Guzman.      

 

Any time soon ay sisimulan din ni Direk Joel ang isa pang movie titled Ang Huling Birheng Beki sa Balat ng Lupa under Heaven’s Best Entertainment Productions.

 

Si Christian Bables ang bida ng obrang ito ni Direk Joel. Baka raw makasama rin sa cast si former Quezon City Mayor Herbert Bautista.                  

 

Sabi ni direk Joel na kailangan din naman niyang kumita ng pera, lalo na ngayong panahon ng pandemia. (RICKY CALDERON)

Other News
  • Sikreto sa masaya at successful na buhay: LOVELY at BENJ, parehong may masaganang spiritual life

    SI Alden Richards ang inspirasyon ng Sparkle talents na sina Anjay Anson at Jeff Moses.     Ayon sa dalawang showbiz newcomers, ang mga na-achieve ni Alden bilang artista at businessman ang gusto nilang ma-achieve din balang-araw. Bilib sina Anjay at Jeff sa pagiging masipag na tao ni Alden. At kahit sikat na itong artista, […]

  • CIARA, pabiro at ‘di rin naiwasang mag-post ng nagti-trending na brand ng paracetamol

    PATI si Ciara Sotto sa pagpu-post tungkol sa nagti-trending na biogesic at paracetamol.     Nag-post si Ciara sa kanyang Facebook account ng status na, “Walang sinabi yung Biogesic pag ako yung nag-ingat sayo!”     At saka niya sinundan ng mga laugh, peace emoji at mga hashtags na “charot” at “joke lang po.”     […]

  • Flexi work ‘bagong normal’ sa gobyerno – CSC

    IPATUTUPAD pa rin ang “flexible work arrangement” sa gobyerno at ituturing na “bagong normal” matapos makita ng Civil Service Commission (CSC) na epektibo ito kahit na matapos ang pandemya.     Sinabi ni CSC commissioner Aileen Lizada na ang institutionalization ng flexible work arrangement ang sagot ng komisyon sa bagong normal para sa gobyerno upang […]