• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DoH, siniguro na hindi magkakaroon ng anumang aberya sa pagbyahe ng bakuna

TINIYAK ng Department of Health (DoH) na hindi magkakaroon ng aberya sa pagbiyahe ng Covid-19 vaccine patungo sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) mula sa pagdating nito sa paliparan.

 

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOH Director Ariel Valencia na mayroon na kasing mga inilatag na contingency plan ang gobyerno ukol sa kung papaano iha-handle ang bakuna na inaasahang darating na sa bansa sa mga susunod na araw.

 

Sa katunayan ani Valenia ay sumailalim na sa special training ang mga cold chain managers, supply officer at ang mga pharmacist para sa tamang paghawak at pag-aalaga ng bakuna.

 

Bukod dito ay nagsagawa na rin aniya ng simulation o exercises sng mga kinauukulan kung saan nakita dito na kung maaari lamang ay wala talagang masyadong movement mula sa pagbababa ng vaccines hanggang sa mailagay ito sa freezer van.

 

Habang ang mga security group naman ani Valencia na pangungunahan ng PNP at MMDA, ang magbibigay katiyakan na magiging ligtas at hindi maaabala ang pagbyahe ng freezer van mga patungo sa RITM at iba’t ibang ospital. (Daris Jose)

Other News
  • Ads November 18, 2023

  • Mag-ina, nalunod, natagpuang patay

    PATAY na nang natagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mag-ina matapos malunod sa Larbeco River, Barangay Limo-ok, Lamitan, Basilan kamakalawa ng kagabi.   Ayon sa PCG, nagpunta ang mag-ina na si Lyn Mallari at isang taong gulang niyang anak sa ilog nang hindi inaasahang lumakas ang alon na nagresulta ng kanilang […]

  • Ads December 30, 2021