Japanese Olympic swimmer Daiya Seto, sinuspinde ng 1-taon dahil sa iligal na pakikipagrelasyon
- Published on October 16, 2020
- by @peoplesbalita
SUSPENDIDO si 4-time world champion Japanese swimmer Daiya Seto ng isang taon dahil sa pagkakaroon ng extra-marital affair.
Mismong ang Japan Swimming Federation ang nagpataw ng nasabing kaparusahan dahil nilabag umano ng 26-anyos na swimmer ang sportsmanlike conduct standard ng bansa.
Dahil sa pangyayari ay boluntaryo na itong bumaba bilang team captain ng Japanese Olympic swim team matapos aminin ang pakikiapid.
Paglilinaw ng Japan Swimming Federation na maaari pa rin itong makasali sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.
Nagwagi si Seto ng 400m individual medley bronze sa Rio Olympics noong 2016. Siya ang kasalukuyang 200m at 400m individual medley world champion.
-
PRODUCER SAM RAIMI’S “THE UNHOLY” UNVEILS NEW TRAILER
COLUMBIA Pictures has just released the international trailer of the supernatural horror-thriller The Unholy from producer Sam Raimi (Spider-Man, Evil Dead). Check out the trailer below and watch The Unholy in Philippine cinemas soon. YouTube: https://youtu.be/8RL9fqJDWW0 About The Unholy Be careful who you pray to…. On the holiest weekend of the […]
-
Ads November 16, 2024
-
Dahil nasa crucial age pa ang anak na si Night: RYZA, nahihirapang umalis kaya inaral kung paano tumakas
NEXT chapter na ang pitong taong relasyon nina Ejay Falcon at Jana Roxas. Pero ayon kay Ejay, sa March 25 na nga ang kasal nila at sa may Taguig nila ito gagawin. Kahit na Bise-Gobernardor ng Mindoro, sa Manila na raw nila piniling magpakasal. Ayon dito, “Mahihirapan kasi kapag ‘yung […]