Panukala para sa madaliang pagbili ng bakuna aprubado sa Komite
- Published on February 15, 2021
- by @peoplesbalita
Sa paghahangad ng mabilis na pagsugpo at pagpapahinto ng pagkalat ng virus mula sa COVID-19, na siyang dahilan ng pagkakalugmok ng ekonomiya ng bansa, at tumataas na bilang ng mga nasasawi na mga Pilipino, inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang House Bill 8648 at HB 8649 o ang “Emergency Vaccine Procurement Act of 2021.
Ang dalawang panukala na inihain nina Speaker Lord Allan Velasco at Quirino Rep. Junie Cua ay parehong naglalayon ng mabilisang pagbili ng bakuna para sa proteksyon ng mga mamamayan laban sa COVID-19, na maglilibre sa pagtalima sa Repubic Act 9184 o ang “Government Procurement Reform Act.”
Sa kanyang paliwanag sa HB 8648, sinabi ni Speaker Velasco na ang pinakamahalagang panlaban sa virus ay ang proseso ng pagbabakuna ng malaking bahagi ng ating populasyon upang makamit ang herd immunity.
“Ang susunod na pinakamabilis na pagsugpo laban sa pandemyang dulot ng COVID-19 ay ang mabilisang pagbili at epektibong pagbabakuna laban sa nakamamatay na sakit. Lubhang napakahalaga ng oras. Sa bawat araw ng pagka-antala ay mas lalong magiging magastos para sa pamahalaan, at maglalagay sa panganib sa marami nating mahihinang kababayan, na lantad sa sakit na dulot ng coronavirus,” aniya.
Sa ilalim ng HB 8648, bubuuin ang pondo para sa Adverse Events Following Immunization (AEFI) upang matiyak ang kaligtasan ng bawat indibiduwal na magpapabakuna.
Kaugnay nito, ang pagbili, pag-aangkat, pag-iimbak, paghahatid, pamamahagi, at pamamahala sa pagbabakuna para sa COVID-19 ng mga LGUs ay libre sa customs duties, value –added tax, excise tax, at iba pang kabayaran sa buwis.
Samantala, sinabi ni Cua sa kanyang HB 8649, na ilan sa mga hadlang na nakaantala at naranasan ng pamahalaan sa pagbili ng bakuna ay ang mga pagbabawal na nakasaad sa mga kasalukuyang umiiral na batas.
Inaprubahan ng komite na pagsamahin ang dalawang panukala at ang pagsasapinal ng ulat ng Komite. (ARA ROMERO)
-
LIZA DIÑO, first Filipina na pinarangalan ng ‘French Knight in the Field of Cinema
PINARANGALAN ang award-winning actress na si Ms. Liza Diño at dating Chairperson at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng isa sa pinakakilalang titulo ng Pransya, ang Chevalier in the French Order of Arts and Letters (“Chevalier dans l’Ordre des Arts et des Lettres”). Ang iginagalang na parangal na ito […]
-
Updated Red, Green, and Yellow List , inaprubahan ng IATF
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Oktubre 28, 2021 at ipinalabas ang updated Red, Green, and Yellow List nito epektibo Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 15, 2021. Ang bansang Latvia ay naka-classify sa ilalim ng Red List. Inisa-isa naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga bansa/jurisdictions/territories sa ilalim ng Green […]
-
COC filing sa 2025 polls, umarangkada na
UMARANGKADA na simula Oktubre 1, ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kandidatong nakatakdang sumabak sa May 2025 National and Local Elections (NLE). Ayon sa Comelec, magtatagal ang panahon ng paghahain ng kandidatura sa loob lamang ng walong araw o hanggang Oktubre 8. Sisimulan ng Comelec ang pag-upload ng […]