Pinas matutulad sa US, Europe sa rami ng COVID-19 cases
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
Posibleng matulad umano sa Europa at Estados Unidos ang bilang ng COVID-19 sa bansa dahil sa desisyon ng pamahalan na muling pagbubukas ng mga sinehan at iba pang negosyo simula kahapon Pebrero 15.
Ayon kay Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri, nakakatakot ang desisyon ng gobyerno na muling pagluluwag ng restriction sa bansa.
Paliwanag ni Zubiri, sana ay hindi muna 50% capacity dahil nakakatakot pa rin dahil sa banta pa rin ng coronavirus at iba pang variant nito.
Ang 50% capacity umano sa sinehan ay puno pa rin at kung may umubo doon, may humatsing ay napakadelikado na niyan at posibleng maging super spreader ang event na ’yan.
Idinagdag pa ng Senador na maging sa simbahan na mahilig mag “peace be with you” ang mga tao subalit hindi namamalayan ay “COVID be with you” na pala.
Kaya dahil dito kaya posible umanong magaya ang bansa sa Europa at Estados Unidos na pumalo ang bilang ng coronavirus dahil dito.
Para naman kay Sen. Grace Poe, dapat alamin muna ang mga ipapatupad na regulasyon sa mga establisimyentong magbubukas tulad ng may mga bagong filtration ng air conditioning para hindi recycled ang hangin na hinihinga ng mga tao doon.
Para kay Poe at Zubiri, bagama’t para sa pagbangon ng ekonomiya ang hakbang ng gobyerno subalit dapat una itong ipatupad sa mga lugar na kakaunti ang kaso ng sakit.
Dapat din umanong bilisan muna ang rollout ng bakuna bago aktuwal na mag-relax ng protocols. (Daris Jose)
-
Buong Luzon, isinailalim sa State of Calamity
ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang buong Luzon sa ilalim ng State of Calamity dahil sa serye ng bagyo na tumama sa bansa. Itinuturing na ang pinakahuling bagyo na si bagyong Ulysses ang nagsilbing gatilyo ng malalang pagbaha sa bansa sa mga nakalipas na taon na nag-iwan ng maraming namatay na katao. Ang […]
-
PBBM, idineklarang Special (Non-Working) Day ang Hunyo 24 dahil sa Araw ng Maynila
IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na Special (Non-Working) Day ang araw ng Lunes, Hunyo 24, 2024 sa Lungsod ng Maynila. Sa ipinalabas na Proclamation No. 599 na pirmado ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, na may pahintulot ni Pangulong Marcos, nakasaad dito na sa Hunyo 24, ipagdiriwang ng mga Manileno ang ika-453 […]
-
Para sa movie na ‘When The Waves Are Gone’: JOHN LLOYD, nominated for Best Performance sa ’15th Asia Pacific Screen Awards’
PINAMALAS ni Rere Madrid ang kanyang alindog sa nakaraang Halloween Party ng Sparkle GMA Artist Center na ‘The Sparkle Spell’ dahil ang napili niya ay Marimar costume. Natakpan ang dibdib ni Rere ng mga perlas at super backless siya. Suot din niya ang white skirt na may slit para makumpleto ang Thalia look […]