Buong Luzon, isinailalim sa State of Calamity
- Published on November 19, 2020
- by @peoplesbalita
ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang buong Luzon sa ilalim ng State of Calamity dahil sa serye ng bagyo na tumama sa bansa.
Itinuturing na ang pinakahuling bagyo na si bagyong Ulysses ang nagsilbing gatilyo ng malalang pagbaha sa bansa sa mga nakalipas na taon na nag-iwan ng maraming namatay na katao.
Ang State of Calamity ay naglalayong payagan ang local officials na gamitin ang kanilang emergency funds at magpatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin.
“Last night I think I signed the proclamation,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Martes ng gabi.
Ginawa ng Chief Exevutive ang deklarasyon matapos na lumipad tungo sa Cagayan Valley region, kung saan ang weather disturbances at ang malaking pagpapakawala ng tubig mula sa dam ay pinaniniwalaang nakaapekto sa libong pamilya doon.
May ilang nananatili sa kanilang bubungan para makatakas sa 2-storey high floods.
Nauna rito, inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kay Pangulong Duterte na isailalim sa State of Calamity ang buong Luzon.
Ito ay matapos ang sunud-sunod na paghagupit ng bagyong Quinta, Rolly at Ulysses sa Luzon.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, nagsagawa ang NDRRMC ng emergency meeting kanina at pinag-usapan ang rekomendasyong state of calamity sa Luzon.
Layon nilang matutukan ang epekto na iniwan ng mga magkakasunod na bagyo.
Sinabi pa ni Jalad na napag-usapan din sa pagpupulong na mag-convene ang Technical Working Group para sa gagawing joint prevention, mitigation at paghahanda ng mga clusters ng NDRRMC para i-assess ang sitwasyon ng mga dam.
Bukod dito, kailangan din muling bisitahin ang historical data para makapaghanda kapag may bagyo, gayundin ang tulong sa mga magsasaka, mangingisda at mga nawalan ng kabuhayan at tirahan.
Kaugnay nito, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa NDRRMC chairperson na inatasan niya ang PAGASA na bisitahin ang lugar upang mas mapabuti pa ang sistema sa pagbibigay ng warning hinggil sa pagdating ng bagyo. (Daris Jose)
-
Ads July 12, 2022
-
DTI naglabas ng mga kautusan para sa mga energy consuming products
NAGLABAS ang Department of Trade and Industry (DTI) ng isan department order na nagbibigay ng bagong technical regulation na nagrereseta sa mga mandatory product certification ng mga energy consuming products (ECPs) sa pamamagitan ng Bureau of Philippine Standards (BPS). Sa isang statement ay sinabi ni DTI Consumer Protection Group (CPG) Undersecretary Ruth Castelo […]
-
Boxing, horse racing pinayagan na ng IATF
Pinayagan nang makabalik sa paglalaro ang professional boxers at horse racing, maging ang mga lisensyadong individual sa industriya mula sa Games and Amusements Board (GAB), habang inaasahang darami pa ang sports na posibleng payagan sa mga lugar na pinapatupad ang mas pinagaan na General Community Quarantine. Ito ang ginawang paglilinaw ng GAB sa mga […]