Voter’s registration pinalawig ng 2 oras, kahit holiday pwede na rin – Comelec
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
Pinalawig pa ng dalawang oras ng Commission on Elections (Comelec) ang schedule ng voter registration bilang paghahanda sa national at local elections sa 2022.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mula Martes hanggang Sabado bukas ang mga opisina ng Election Officers sa buong bansa para tumanggap ng mga magpapa-rehistrong botante.
Alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon bukas ang Offices of the Election Officers (OEO); at kahit holiday daw ay tatanggap sila ng magpaparehistro.
“The new schedule will be implemented beginning February 15, 2021.”
Para matiyak na nasusunod ang health protocols, itinakda ng poll body sa pagitan ng Biyernes at Lunes ang designated disinfection day sa mga OEO.“During disinfection, all Comelec offices nationwide will be closed and there will be no transactions with the public,” sabi ni Jimenez.
Una nang umapela si Jimenez sa mga eligible voters na makilahok sa demokrasya sa pamamagitan ng pagpaparehistro at pagboto.
Para sa mga magpaparehistro, pinayuhan ng Comelec na magpa-appointment muna sa irehistrocomelec.gov.ph at mag-fill up ng application form. (GENE ADSUARA)
-
P1B APRUBADO NA BILANG DAGDAG BUDGET NG PHILIPPINE COCONUT AUTHORITY
APRUBADO na at kasama na sa National Expenditure Program for 2024 ang P1 bilyon para sa revitalization ng coconut industry. Sinabi ni PCA Administrator Bernie Cruz nitong Martes (Agosto 29), out of their request for P11-billion additional budget, only P1B billion was included in the NEP for 2024. Dagdag ni Cruz, mismong […]
-
Nag-Balesin dahil free si Gov. Chiz: HEART, nagpa-wow na naman sa mga suot na two-piece swimsuit habang nagpapa-araw
NAG-POST si Kapuso actress at style icon Heart Evangelista sa kanyang Instagram habang nagpapa–araw sa Balesin Island. Napa-wow na naman ang netizens sa suot long-sleeved bikini top matched with a bikini bottom at caption ni Heart, “She needed that vitamin sea.” Sumunod na IG post naman ni Heart ay ang two-piece […]
-
Typhoon Odette ‘mabilis pagtindi’ bago mag-landfall sa Dinagat, Siargao-Bucas Grande Islands
Sumasailalim ngayon sa mabilis na paglakas ang Typhoon Odette habang kumikilos ito sa kalugaran ng Dinagat Islands at Bucas Grande Islands. Natagpuan ang mata ng bagyo 265 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte bandang 7 a.m. ng Huwebes. Lakas ng hangin: aabot ng hanggang 165 kilometro kada oras malapit sa gitna Bugso ng […]