Usad-pagong na pagbangon ng ekonomiya, nagtulak kay PDu30 para sang-ayunan ang hakbang ng IATF
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
ANG usad-pagong na economic recovery ng bansa ang dahilan para sang- ayunan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pasya ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagbubukas ng iba pang mga negosyo simula ngayong araw na ito.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, naiintindihan ni Pangulong Duterte ang sitwasyon at pinag- isipan ng Punong Ehekutibo kung paano makakabangon ang dumapang ekonomiya ng bansa dahil sa pandemya.
Lumalabas pa nga ani Roque na tayo ang isa sa pinakamabagal na makakabangon sa buong mundo na dahil na rin sa napakahabang ipinatupad na lockdown.
“Well, naintindihan naman niya dahil talagang pinag-iisipan na rin ng Presidente kung paano talaga tayo makakabangon dahil lumalabas na sa buong mundo isa tayo sa pinakamabagal na makakabangon kasi nga parang napakahaba at napakatagal na noong ating lockdown na ipinatutupad,” ayon kay Sec. Roque.
Kung tutuusin sabi ni Roque ay napapanahon nang maibaba na rin sa MGCQ ang status ng health protocol gayung nakabuo na ng disiplina ang mga Pilipino at batid na rin ng mga ito kung paano nila makakahanapbuhay ng ligtas.
Sa ilalim ng MGCQ ay nasa 75 porsiyento ng komersiyo ang pinapahintulutan ng makapag- bukas habang 50 percent naman ng negosyo ang pwedeng makapag- operate sa ilalim ng GCQ.
“Alam mo kasi kapag GCQ eh talagang halos 50% lang ang bukas ng ating mga industriya.
Ang MGCQ ay 75% at napapanahon na talaga dahil ang tingin ko naman naka-develop na ng disiplina ang mga Pilipino at alam nila na para magkahanapbuhay ang sagot po talaga ay iyong panawagan ni Presidente – ‘Mask, Hugas, Iwas. Ingat buhay para tayo ay makapaghanapbuhay.’ ang pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)
-
‘Wag lang magkuripot Alaska Milk: Manuel handang patali
MAAARI pa ring magpapako sa Alaska Milk ang naghihimagsik na si Victorino ‘Vic’ Manuel basta’t huwag lang magkuripot sa kanya ang Aces sa panibagong kontrata umpisa sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa Abril 9. Namutawi ito sa 33-taong-gulang, may 6-4 ang taas at tubong Licab, Nueva Ecija sa pagdalo sa Sports […]
-
DICT iminungkahi ang pagkilala ng digital version ng National ID
IMINUNGKAHI ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang paglalabas ng digital version ng Naitonal ID habang hindi pa natatapos ang printing ng mga cards. Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy, na ang digital ID ay ginagamit na halos ng karamihan dahil ito ay madaling dalhin kumpara sa mga cards. […]
-
Gilas training magsisimula na!
AARANGKADA na ngayong araw ang training camp ng Gilas Pilipinas para paghandaan ang fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers. Magagaan na workouts muna ang pagdaraanan ng Gilas Pilipinas pool sa unang araw ng training sessions nito. Hindi pa kumpleto ang pool dahil wala pa sa Maynila sina NBA star […]