• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Perez pambulaga ng SMB bilang panimula, kapalitan

INAARAL pa ni Leovino ‘Leo’ Austria ang magiging papel ni Christian Jaymar ‘CJ’ Perez sa San Miguel Beer kung starter, o off the bench para sa pagbubukas ng 46th Philippine Basketball Association (PBA 2021 Philippine Cup.

 

 

Mababatid ito kapag nakaliskisan na sa ensayo na ang 2018-19 Rookie of the Year, 2018 top rookie pick at two-time scoring champion sab ago niya o pangalawang team tapos i-trade ng Terrafirma sa anim na manlalaro ng Beermen.

 

 

Hindi pa makalog ni San Miguel coach ang kanyang starting five kina June Mar Fajardo, Arwind Santos, Marcio Lassiter, Christopher ‘Chris Ross at Alexander ‘Alex’ Cabagnot Jr.

 

 

“It will depend pa, during the offseason pa lang malalaman kung sino maganda ang chemistry,” wika kahapon ng Beermen bench tactician.

 

 

Mas malamang , hirit ni Austria, na magbuhat sa bench si Perez kasabay ni Terrence Romeo para sa backcourt ng serbesa.

 

 

Puwede rin na depende sa kalaban.

 

 

“Si CJ, kapag kalaban halimbawa TNT (Talk ‘N Text), panapat siya kay (Bobby Ray) Parks, Jr. ‘Pag Phoenix, maaring itapat kay (Calvin) Abueva. Depende sa matchup,” esplika pa ni Austria.

 

 

Ang  tiniyak na magiging mahaba ang minutong ilalaro rin ni Perez katulad sa Dyip.

 

 

“Definitely talagang mahaba niyang playing time. Pero depende rin sa game. Siyempre, lahat naman ng teammates niya can score, eh,” wakas na namutawi  sa veteran coach. (REC)

Other News
  • 470K sasakyan bumibiyahe sa EDSA kada araw – MMDA

    MAY average na 470,000 sasakyan na ang bumibiyahe ngayon sa EDSA kada araw at inaasahan pang tataas habang papalapit ang Pasko at Bagong Taon, ayon sa Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA).     Sa kabila nito, sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na maayos pa rin umano ang trapiko sa EDSA na siyang pinakaabalang kalsada […]

  • Sofia, ‘di mawawala o papatayin sa kuwento

    SINIGURADO ng director ng Prima Donnas na si Direk Gina Alajar na kahit na hindi nila nakasama sa lock- in taping ang isa sa tatlong girls ng serye na si Sofia Pablo, hindi ito mawawala o papatayin sa kuwento.   Kaya matutuwa ang mga fans ng Prima Donnas girls.   Ayon kay Direk, “Si Sofia, […]

  • 4 timbog sa baril at shabu sa Malabon, Valenzuela

    Swak sa kulungan ang apat hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang magkahiwalay na operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela cities.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Jerome Cinco, 28, Michaell Alene Sy, 29 at April Jay Praxides, 25. […]