Panukalang pag-amyenda sa Contractor’s License Law, pasado na
- Published on February 18, 2021
- by @peoplesbalita
Nagkakaisang ipinasa ng Kamara sa huling pagbasa ang House Bill 7808 o ang “Contractors’ License Law“.
Sa botong 200, pasado na sa plenaryo ang panukala, na pangunahing iniakda ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., at naglalayong isulong ang kaunlaran sa pagnenegosyo ng pangongontrata, sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kakayahan sa konstruksyon sa mga pampubliko at pribadong sektor at pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga lumalabag sa batas.
Dahil dito, ang mga kontraktor na napatunayang may sala, na tinutukoy sa panukala ay pagmumultahin ng halagang P100,000. 00 0.1% ng halaga ng proyekto, alinman ang mas mataas.
Bukod pa sa hatol, hindi sila maaaring makakuha ng lisensya sa pangongontrata sa loob ng hindi bababa sa isang taon.
Kapag ito ay naisabatas na, bibigyan ng kapangyarihan ang Philippine Contractors Accreditation Board na mangolekta o magpatupad ng mga kabayaran at multa, upang mapaunlad ang kanilang mga operasyon. (ARA ROMERO)
-
12 HIGH-END AMBULANCE, HANDA NG IPAMIGAY SA MAYNILA
HANDA ng ipamigay ang labindalawang “high-end” Ambulance na binili pa ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa Estados Unidos. Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pagpapasinaya sa labindalawang ambulansiya kasabay ng pagbabasbas nito sa pamumuno ni Quiapo Church Monsignor Hernando Coronel. Ayon kay […]
-
Sa maliit na seafood business noong pandemya: NEIL RYAN, nagkaroon ng malaking farm sa Zambales
DAHIL sa maliit na seafood business ni Neil Ryan Sese noong magkaroon ng pandemya, nagbunga na ito sa pagkakaroon ng isang malaking farm sa Zambales. Ito ang naging kapalit ng sipag, tiyaga at tiwala ng aktor sa Diyos noong simulan niya ang K&G Seafood noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020. […]
-
Administrasyong Marcos, inilunsad ang PH Multisectoral Nutrition Project
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng Philippine Multi-sectoral Nutrition Project (PMNP) na may temang “Better Bodies and Minds.” Sa naging talumpati sa nasabing event sa Manila Hotel, sinabi ni Pangulong Marcos na committed ang kanyang administrasyon na mamuhunan sa 110-million strong population ng bansa, kinokonsiderang “main drivers” ng ekonomiya. […]