• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

12 HIGH-END AMBULANCE, HANDA NG IPAMIGAY SA MAYNILA

HANDA ng ipamigay ang labindalawang “high-end” Ambulance na binili pa ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa Estados Unidos.

 

Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pagpapasinaya sa labindalawang ambulansiya kasabay ng pagbabasbas nito sa pamumuno ni Quiapo Church Monsignor Hernando Coronel.

 

Ayon kay Domagoso, dapat ay unang quarter pa lamang umano ng taon 2020 dumating ang mga nasabing ambulansiya ngunit naantala umano ito dahil na rin sa kinakarap na pandemya ng bansa gayundin sa Amerika kung saan binili ang mga nasabing sasakyan.

 

Aniya, ang mga nasabing ambulansiya ay may mga high-tech equipment at machines na maaaring makatugon at makatulong sa mga pasyente sa oras ng “emergency” lalo na ang mga nag-aagaw buhay.

 

Dagdag pa ng Alkalde, naglaan ang lokal na pamahalaang lungsod ng halos P300 milyon umano ang inilaan ng lokal na pamahalaan sa mga nasabing ambulansiya na bahagi ng pagpapalakas sa atensyong medikal para sa mga Manilenyo.

 

Napag-alaman naman Alkalde na ang anim na ambulansiya ay dadalhin sa anim na pampublikong ospital ng Maynila kabilang na ang Ospital ng Maynila, Ospital ng Tondo, Sta. Ana Hospital, Ospital ng Sampaloc, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, at Justice Jose Abad Santos General Hospital. Habang ang natitirang anim na ambulansiya naman ay nasa Manila City Hall kung saan nasa pangangalaga ito ni Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Director Arnel Angeles upang gamitin sa kanilang rescue and emergency operation sa oras na may naganap sa buong Maynila.

 

Iginiiit ni Domagoso na ang paggamit sa mga nasabing ambulansiya ay libre at walang bayad kung saan sa loob nito ay may kumpleto itong equipment at machine gayundin may medical professional na nakasakay dito. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Technician nakaligtas sa pamamaril ng kapitbahay

    NAGAWANG makaligtas ng isang 27-anyos na technician sa kamatayan nang mailagan nito ang pamamaril ng kapitbahay na pumasok sa kanyang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.   Sa imbestigasyon ni PEMSgt. Julius Mabasa, alas-9:10 ng gabi, kasama ng biktimang si Kenneth Ordoña, technician ng Globe Telecom Company ang room mates na si George Payton […]

  • Bagong highly transmissible Omicron XBB subvariant at XBC variant, na-detect na sa PH

    NAKAPAGTALA na ang Pilipinas ng bagong mas nakakahawang Omicron XBB subvariant at XBC variant ayon sa Department of Health (DOH).     Iniulat ng DOH na nasa 81 kaso ng Omicron XBB subvariant ang na-detect mula sa dalawang rehiyon sa bansa.     Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, nasa 70 dito ay nakarekober […]

  • Mga director ng MAHARLIKA INVESTMENT CORP., nanumpa sa tungkulin

    APAT na bagong director ng Maharlika Investment Corp. (MIC) ang nanumpa sa tungkulin, araw ng Miyerkules para tumulong na patnubayan ang Maharlika Investment Fund (MIF).     Kabilang sa mga nanumpa sa tungkulin ay sina long-time Asian Development Bank (ADB) officer Vicky Castillo Tan, Andrew Jerome Gan, German Lichauco, at Roman Felipe Reyes.     […]