• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DINGDONG, ARJO, ELIJAH, ALDEN, LOVI at CRISTINE, ilan lang sa pararangalan sa 5th ‘Film Ambassadors’ Night’ ng FDCP

IBINAHAGI ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang 60 na honorees at special awardees ng ika-limang Film Ambassadors’ Night (FAN) ngayong taon pati na rin ang performers para sa online event na isasagawa sa Pebrero 28.

 

 

Ang FAN, na taunang kaganapang isinasagawa ng FDCP simula noong 2017, ay kumikilala sa Filipino film industry creatives, artists, filmmakers, at mga pelikula na nakatanggap ng parangal mula sa established international film festivals at award-giving bodies ng nakaraang taon.

 

 

Kabilang sa FAN 2021 honorees ang A-Listers na filmmakers na sina Rafael Manuel at Lav Diaz. Ang A-Listers ang mga nanalo ng awards sa prestihiyosong A-List international film festivals na idineklara ng International Federation of Film Producers Associations (FIAPF).

 

 

Tinanggap ni Rafael Manuel ang Berlinale Shorts Silver Bear Jury Prize para sa “Filipiñana” sa ika-70 na Berlin International Film Festival sa Germany habang napanalunan ni Lav Diaz ang Orizzonti Award para sa Best Director para sa “Lahi, Hayop (Genus Pan)” sa ika-77 na Venice International Film Festival sa Italy.

 

 

May anim na honorees sa Feature Films category: “Sunshine Family” ni Kim Tai-Sik, “Write About Love” ni Crisanto Aquino, “Latay (Battered Husband)” ni Ralston Jover, “Pan de Salawal” ni Che Espiritu, “Lingua Franca” ni Isabel Sandoval, at “John Denver Trending” ni Arden Rod Condez. Ang honorees sa Directors category ay sina Maria Diane Ventura para sa “Dein Fabre,” Mallorie Ortega para sa “The Girl Who Left Home,” at Derick Cabrido para sa “Clarita.”

 

 

Tampok sa Actors category sina Cristine Reyes para sa “UnTrue,” Ruby Ruiz para sa “Iska,” Elijah Canlas para sa “Kalel, 15,” Louise Abuel para sa “Edward,” Isabel Sandoval para sa “Lingua Franca,” Alden Richards para sa “Hello, Love, Goodbye,” Lovi Poe at Allen Dizon para sa “Latay,” at ang cast members ng “Kaputol” na sina Cherie Gil, Alfred Vargas, Angel Aquino, at Ronwaldo Martin.

 

 

Sina Dingdong Dantes at Arjo Atayde ang television awardees na napabilang sa FAN 2021 Actors list.

 

 

“Philippine Cinema continues to thrive amid the pandemic because Filipino filmmakers and artists did not allow the global health crisis to derail them from sharing our stories to the world. Through the Film Ambassadors’ Night, we celebrate their efforts and laud their achievements,” wika ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño. 

 

 

Ang iba pang categories ng FAN ay ang Short Films, Documentaries, Creative Awards, at Special Citation.

 

 

Ang dalawang Special Citation recipients ay ang beteranong direktor para sa telebisyon at pelikula na si Luisito Lagdameo Ignacio at ang yumaong filmmaker at International Film Festival Manhattan co-founder na si Gerry Balasta.  (ROHN ROMULO)

Other News
  • NASYUNAL AT LOKAL MAGTULUNGAN SA PAGBIBIGAY NG HANAPBUHAY

    DAPAT magtulungan ang national at local  government units  upang  mapalakas ang pagbibigay ng hanapbuhay  at mabigyan ng kaalaman ang mga manggagagawa.     Sinabi  ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III  nang pangunahan nito ang pagpapasinaya ng Bulacan Public Employment  Service Office (PESO) building sa Malolos, Bulacan.     Pinasalamatan naman ng kalihim  si  Bulacan  […]

  • Ads February 15, 2022

  • 16 organisasyon iniuugnay sa Reds bilang ‘terror groups’

    PINANGALANAN ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang 16 na underground organizations na iniuugnay sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang grupong terorista.     Sa Resolution No. 288 (2022) na may petsang Enero 26 at nilagdaan ni ATC vice chairperson at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., may nakitang probable cause ang ATC […]