• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NASYUNAL AT LOKAL MAGTULUNGAN SA PAGBIBIGAY NG HANAPBUHAY

DAPAT magtulungan ang national at local  government units  upang  mapalakas ang pagbibigay ng hanapbuhay  at mabigyan ng kaalaman ang mga manggagagawa.

 

 

Sinabi  ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III  nang pangunahan nito ang pagpapasinaya ng Bulacan Public Employment  Service Office (PESO) building sa Malolos, Bulacan.

 

 

Pinasalamatan naman ng kalihim  si  Bulacan  Governor Daniel Fernando sa pagtitiyak na ang programa at serbisyo  ng DOLE ay makakapagbigay ng trabaho sa mga jobseeker sa pamamagitan ng PESO.

 

 

Kasabay nito,. hinamon din ng kalihim  ang Bulacan Provincial PESO na isulong ang buong institusyonalisasyon ng natitirang 17 LGU-based PESO sa kanilang lalawigan.  (GENE ADSUARA)

Other News
  • Dating ‘exes’ ni Mega, parehong president ang role: Serye nina SHARON at GABBY, hindi sinasadya pero nagkatapat

    HINDI sinasadya pero magkatapat ang mga shows nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.     Kasama si Sharon sa cast ng longest-running action serye na FPJ’s Ang Probinsiyano sa Kapamilya Network while nag-premiere naman kagabi sa GMA 7 ang First Lady, ang Book 2 ng successful series na First Yaya, kung saan lead actor naman […]

  • Ads September 4, 2023

  • NTC, inatasan ang mga telcos na balaan ang publiko sa text scam

    Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunication companies na magpadala ng text blast sa kanilang subscribers para balaan tungkol sa text spam o umano’y mga text messages na naglalaman ng mga alok na trabaho.       Sa gitna ito ng mga ulat na kalat na kalat na ang mga ganitong SMS messages. […]