Pagdating sa Pinas ng bakunang gawa ng Tsina laban sa Covid -19, maaaring ma-delay
- Published on February 20, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ng Malakanyang na maaaring ma-delay ang pagdating sa bansa ng 600,000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese firm Sinovac dahil sa kawalan pa rin ng Emergency Use Authorization (EUA) nito.
Inaasahan kasing darating sa bansa ang nasabing bakuna sa Pebrero 23.
“Kapag hindi po lumabas ang EUA, baka maantala rin ang pagdating ng 600,000 ng Sinovac,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ang EUA na ipalalabas ng Food and Drug Administration (FDA), ay kailangan upang legal na mapangasiwaan ang bakuna sa Pilipinas.
“Nais rin muna nating makuha itong EUA para po kapag dumating [ang vaccine], magagamit agad,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Magkagayon pa man ayon kay Sec. Roque, ang 5.5 million doses ng COVID-19 vaccine mula AstraZeneca sa ilalim ng COVAX Facility ay inaasahan na maide-deliver sa bansa sa loob pa rin ng buwang kasalukuyan.
Nauna rito, sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr na ang pagde-deliver ng bakuna mula sa World Health Organization (WHO)-led COVAX Facility ay made-delay ng isang linggo bunsod ng kawalan ng indemnification law sa bansa.
Sinabi ni Galvez sa Senado na ang bansa ay maaaring makatanggap ng 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccine kung ang PIlipinas ay mayroong indemnification law.
Samantala, ang FDA ng Pilipinas ay nagpalabas lamang ng EUA sa dalawang COVID-19 vaccine brands gaya ng Pfizer-BioNTech at AstraZeneca, kung saan ay nakitaan ng 70% hanggang 95% effective, para maiwasan ang COVID-19. (Daris Jose)
-
LIBRENG BOARD EXAM KAPALIT NG SERBISYO SA GOBYERNO
NAG-ALOK ang pribadong sektor na sagutin ang mga gastusin para sa board review ng mga kwalipikadong nursing graduates kapalit ng apat na taon na return service sa mga ospital ng gobyerno. Sinabi ni Health Secretary Ted y Herbosa,na ito ay kaugnay ng plano niyang kumuha ng mga hindi lisensyadong nursing graduates para magtrabaho […]
-
“When the time is right, I the Lord will make it happen” Isaiah 60:22
-
Aliw na aliw ang mga netizens sa kanilang Instagram post: DENNIS at JENNYLYN, larawan ng masayang pamilya kasama ang tatlong anak
SINA Xian Lim at Kim Chiu ang tunay na “lovers in Paris” dahil doon sila nag-celebrate ng Pasko. Nakakakilig ang mga litrato at video nila habang sweet na sweet na rumarampa sa mga pamosong lugar sa Paris tulad ng Eiffel Tower na bagay na bagay sa magkasintahang tulad nila. And the […]