• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binata kulong sa marijuana

KALABOSO ang isang 21-anyos na binata matapos makuhanan ng marijuana makaraang masita ng mga pulis dahil sa hindi pagsuot ng facemask sa Valenzuela City.

 

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang naarestong suspek na si John Azer Co, 21, ng 28 C. Palo Alto St. Brgy. Marulas.

 

Ayon kay Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl Pamela Joy Catalla, alas-9:45 ng gabi, nagsasagawa ng beat patrolling sa Market St. harap ng Rikkos Roasted Chicken, Brgy. Marulas ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 3 na si PCpl Reynaldo Panao at PCpl Mark Jayson Cantillon sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Joebie Astucia nang masita nila ang suspek dahil walang suot na facemask.

 

Nang isyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) ay umiwas at pumalag ang suspek kaya’t inaresto nila ito at nang kapkapan ay nakuha sa kanya ang anim na plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 2 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

 

Kasong paglabag sa Art 151 (Resistance and Disobedience) of RPC at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Sec. Duque, sinalungat ang isyu na humuhupa na ang banta ng CoVid -19 sa bansa

    PINALAGAN ni Health Sec Francisco Duque ang ulat na unti -unti nang humuhupa ang banta ng CoVid 19 at nagiging stable na ang sitwasyon sa mundo   Sa Laging Handa press briefing ay sinabi ng kalihim na hindi pa sapat ang mga datos at pabago-bago pa ang sitwasyon para sabihing nagiging mabuti na ang lahat […]

  • Promo lang pala ‘yun ng bagong endorsement… RAYVER, ‘di totoong nag-propose na kay JULIE ANNE dahil sa regalong ring

    NAG-TRENDING sa Twitter ang #MCIHulingHalik na eksena sa GMA Network historical fantasy portal na “Maria Clara at Ibarra,” na muling pagkikita nina Maria Clara (Julie Anne San Jose) at Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo), na pumasok na ang story sa second book na isinulat ni Jose Rizal, ang “El Filibusterismo.”       Napigilan ang tangkang pagmolestiya […]

  • Dedicated ang speech sa fiancee at dalawang anak: Macaulay Culkin, nabigyan na rin ng star sa ‘Hollywood Walk of Fame’

    NAGBABALIK din GMA si Michelle Vito na lumabas noon sa Kapuso teleserye na ‘Nita Negrita’ at sa teen drama series na ‘Reel Love Presents Tween Hearts.’     Kabilang si Michelle sa cast ng ‘Lovers/Liars’ kunsaan gumaganap siya bilang isang single mother na dumaan sa maraming pagsubok.     “Hindi ito ‘yung usual Michelle na […]