• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Duque, sinalungat ang isyu na humuhupa na ang banta ng CoVid -19 sa bansa

PINALAGAN ni Health Sec Francisco Duque ang ulat na unti -unti nang humuhupa ang banta ng CoVid 19 at nagiging stable na ang sitwasyon sa mundo

 

Sa Laging Handa press briefing ay sinabi ng kalihim na hindi pa sapat ang mga datos at pabago-bago pa ang sitwasyon para sabihing nagiging mabuti na ang lahat

 

Kasama sa mga tinukoy ni Duque na dapat pang tingnan ang mga kaso at sitwasyon sa lalawigan ng Hubei at iba pang bahagi ng China gayundin sa mahigit 20 pang bansa na nagkaroon ng kaso ng CoVid 19

 

Maging ang pagpasok ng panahon ng tag-init sa Marso ay hindi rin tiyak kung ano ang magiging epekto sa transmission o pagkalat ng nasabing virus

 

Dahil naman sa nagkaroon na ng local transmission sa ibang bansa ng CoVid 19, ito ang pinaghahandaan ng pamahalaan upang matugunan sakaling magkaroon ng katulad na pangyayari sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • ANDREA, naniniwala na kailangang i-maintain ang ‘well-balanced and healthy lifestyle’; honored na napiling endorser ng Beautéderm

    SA last quarter ng 2021, may pasabog na naman ang patuloy na nangunguna na Beautéderm Corporation at pinagsisigawan na ‘take charge of your health’.     Sa pamamagitan ito ng REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters, na isang essential line ng mga health supplements na ine-endorse ng newest ambassador na si Andrea Brillantes.     […]

  • ‘Hulihin na’: Apollo Quiboloy ipinaaaresto ng Senate committee

    INIREKOMENDA na ng Senate committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na ipaaresto ang religious leader na si Apollo Quiboloy dahil sa patuloy na pag-isnab sa mga pagdinig kaugnay ng reklamong pang-aabuso sa miyebro.     Ito ang binasa ni committee chair Sen. Risa Hontiveros sa kanyang opening statement ngayong Martes sa pag-asang […]

  • 2 Comelec commissioners, pinangalanan na ni PBBM

    PINANGALANAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dalawang komisyonado ng  Commission on Elections (Comelec)  sa katauhan nina Atty. Ernesto Maceda Jr. at reappointed engineer Nelson Celis.     Tinintahan ni Pangulong Marcos ang apppointment papers nina Maceda at Celis noong Oktubre  3.     Si Celis  ay reappointed matapos na ma-bypassed ng   Commission on […]