Duterte naiinip na sa bakuna
- Published on February 22, 2021
- by @peoplesbalita
Naiinip na si Pangulong Rodrigo Duterte sa paghihintay sa pagdating ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas, ayon sa Malacañang.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagsalita na mismo ang Pangulo na naiinip na siya at inaasahan niyang mas magiging mabilis na ang lahat ng mga naatasan kaugnay sa mga kukuning bakuna ng gobyerno.
“Pero tatapatin ko na po kayo, si Presidente nagsalita na, siya mismo naiinip na, kinakailangan dumating na ang mga bakuna. Kaya naman siguro dahil nagsalita na ng ganiyan ang Presidente ay gagalaw ng mas mabilis ang lahat,” ani Roque.
Nauna nang inasahan ang pagdating ng bakuna na gawa ng Pfizer ngayong Pebrero pero naantala ito at wala pang katiyakan kung kailan petsa dahil sa isyu indemnification o katiyakan na hindi sila ang magbabayad sakaling magkaroon ng side effect ang bakuna.
Kaugnay sa mga mungkahi na payagan na lamang ang mga local government units (LGUs) na sila ang direktang bumili ng bakuna, ipinaliwanag ni Roque na hindi ito maaari dahil sa kawalan ng general use authorization.
Ipinaliwanag din ni Roque na ang pagbili ng bakuna ay “special arrangement” sa pagitan ng vaccine developers at ng mga gobyerno.
Nauna rito, nilagdaan ni Duterte ang isang Memorandum Order kamakalawa na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga LGUs na magbayad ng higit sa 15% na advance payment sa mga bakunang binili sa pamamagitan ng tripartite agreement kung saan kasama nila sa kontrata ang manufacturer at national government. (Daris Jose)
-
15 na ang patay pati suicide bomber, halos 80 na sugatan sa twin bombings sa Jolo, Sulu
Binulabog ng dalawang magkasunod na malakas na pagsabog ang Jolo, Sulu. Ayon sa mga otoridad unang sumabog ang isang bomba dakong alas-11:58 ng umaga sa Brgy. Walled City, Jolo. Iniulat naman ng PNP na ang ikalawang pagsabog ay naganap pagsapit ng ala-1:00 ng hapon na hindi lamang kalayuan sa unang explosion (100 meters) […]
-
Kabilang na sa A-list celebrity endorsers ng ‘Beautederm’: JENNYLYN, walang kaarte-arte at mabait kaya puring-puri ni RHEA
IBANG-IBA ang glow ng Beautéderm founder na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ngayon, na nagdiriwang ng 15 years sa skincare at wellness industry. Tampok sa kanyang speech ang timeless legacy ng kanyang brand na ine-endorse ng top celebrities at influencers. Sa nasabing selebrasyon last July 18, ipinakilala rin […]
-
Ads March 4, 2020