• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 laborer arestado sa P56-K shabu

DALAWANG laborer ang arestado matapos makuhanan ng nasa P56, 540 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Malabon Police Chief Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Ronaldo Jacinto, 43 ng Blk 27, Lot 70, Phase 2, Area 1 Brgy. Nbbs, Navotas City at Arjay Alejandro, 27 ng Blk 22, Lot 21, Landaska Torcillio Street Brgy. 28, Caloocan City.

 

Ayon kay Col. Tamayao, alas- 10 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Adonis Aguila ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Dr. Lascano St. Brgy. Tugatog.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng isang sa- chet ng shabu ang isang undercover pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng P500 marked money.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 8.3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P56,540.00 ang halaga, weighing scale at buy-bust money.

 

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Roderick Paulate ‘guilty’ sa graft, falsification of documents kaugnay ng ghost employees

    HINATULANG nagkasala ng Seventh Division ng Sandiganbayan ang aktor at dating konsehal ng Quezon City na si Roderick Paulate sa graft at eight counts ng falsification of public documents kaugnay ng pagkuha ng “ghost employees” noong 2010.     Sinentensyahan ang komedyante ng hanggang walong taong pagkakakulong dahil sa kasong graft at hanggang anim na […]

  • KC, all-out ang support na ipinakita kay Sen. KIKO sa pagtakbo bilang Vice President

    ALL-OUT support ang ipinakita ni KC Concepcion sa kanyang Facebook at Instagram accounts para sa desisyon ng kanyang stepdad na si Sen. Kiko Pangilinan na tatakbo bilang Vice President sa May 2022 national elections.     Si Sen. Kiko ang napiling ka-tandem ni Vice President Leni Robredo na tatakbo naman bilang pangulo matapos nilang mag-file […]

  • Travel restriction sa Chinese travelers, ipatupad na

    NANANAWAGAN  ang isang health expert na magpatupad na ng mas mahigpit na travel restriction ang gobyerno sa mga biyahero na mula sa China para makatiyak na hindi kakalat sa Pilipinas ang panibagong wave ng impeksyon ng COVID-19.     “We need to ask the Chinese visitors to submit RT-PCR test 48 hours prior to the […]