• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang trials ng face-to-face classes, tinanggihan ni PDu30

TINANGGIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukalang trials ng face-to-face classes.

 

“Nagdesisyon na ang Presidente ha: wala pa rin po tayong face-to-face classes sa bansa,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Sinabi ni Sec. Roque na sinabi sa kanya ng Pangulo nang magkausap sila kagabi na ayaw nitong malagay sa panganib ang buhay ng mga estudyante at mga guro lalo pa’t hindi pa nagsisimula ang vaccination drive ng pamahalaan.

 

“Sabi niya, may awa ang Panginoon, baka naman po pagkatapos nating malunsad ang ating vaccination program ay pupuwede na tayong mag-face-to-face (classes) sa Agosto lalong-lalo na sa mga lugar na mababa ang COVID cases,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Noong nakaraang Disyembre ay inaprubaan ng Chief Executive ang pilot implementation ng face-to-face classes na magsisimula sana nitong Enero 2021 sa mga eskuwelahan na nasa lugar na low-risk para sa COVID-19.

 

Iyon nga lamang ay ilang araw lamang ang nakalipas ay binawi niya ang pahayag niyang ito dahil sa bansa ng bagong variant ng Covid -19 sa United Kingdom at napaulat na ito ay mas nakahahawa.

 

Dahil dito, ipinagbawal ni Pangulong Duterte ang face-to-face classes dahil na rin sa kawalan pa ng bakuna laban sa COVID-19.

 

Ang Basic Education classes ay magpapatuloy naman sa Oktubre sa ilalim ng blended learning. (Daris Jose)

Other News
  • May mga panibagong cases pa na nai-file sa kanya: MAGGIE, tuloy ang laban kahit apektado na ang mental at emotional na kalagayan

    NAPAPA-‘SANA ALL’ at “goals” ang mga comment ng netizens bukod sa sagad ang kilig, lalo na ng mga fans ng mga Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa halos ipagsigawan na ka-sweetan ni Dingdong sa kanyang misis.     Daig pa ni Marian ang debutante sa nakaraang birthday celebration, […]

  • P20/kilo ng bigas, tutuparin ni Marcos

    NANGAKO  si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tutuparin ang pangako na ibababa sa P20 per kilo ang presyo ng bigas habang binibigyan ng proteksiyon ang mga magsasaka.       Sinabi ni Marcos noong Huwebes na nakikipag-usap na siya sa ilang traders upang panatilihin muna ang presyo ng bigas sa kasalukuyang presyo.     […]

  • 4 drug suspects nalambat sa Malabon, Navotas drug bust

    KALABOSO ang apat na hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities, Martes ng madaling araw.     Sa ulat ng Northern Police District (NPD), dakong alas-3 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug […]