• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ARJO, representative ng Pilipinas sa‘Asian Academy Creative Awards’

NAGULAT si Arjo Atayde dahil siya ang napiling representative ng Pilipinas sa December’s Grand Awards and Gala Final sa kategoryang Best Actor in a Lead Role sa katatapos na Asian Academy Creative Awards 2020 National winner para sa iWant Original series na Bagman.

 

Nang mapanood ang unang sea- son ng Bagman ni Arjo ay iisa ang sinabi ng lahat, makakakuha ng best actor award ang aktor dahil sa napakahusay nitong pagganap bilang si Benjo Malaya na isang barbero na sa ikalawang season ay naging gobernador.

 

Makakatunggali ni Arjo sina Luo Jin (China) para sa Royal Nirvana, 2019 Chinese television series based on the novel of the same name by Xue Man Liang Yuan Jetsen Huashi Wangju Cultural Media Youku; Anthony Wong (Hongkong), The Repub- lic HK Television Entertainment Company Viu TV; Manoj Bajpayee (India), The Family Man D2R Films Amazon Prime Originals; Miller Khan (Indonesia), Assalamualaikum Calon Imam Viu Indonesia; Bront Palarae (Malaysia), The Bridge Season 2 Vuclip Malaysia and Double Vision at Kha Ra (Myanmar), Spirit of Fight Sea- son 2 Canal and Myanmar Production.

 

Ang Bagman season 1 ay umabot sa 12 episodes na idinirek ni Shugo Praico asinulat nina Philip King at Lino Cayeno handog ng Dreamscape Entertainment at Rein Entertainment.

 

Maraming karakter na ang ginampanan ni Arjo sa mga TV series na nilabasan niya simula nu’ng nagsimula siya sa showbiz.

 

Sa FPJ’s Ang Probinsyano umingay ng husto ang pangalan ni Arjo bilang si Joaquin Tuazon na kinamuhian ng lahat bilang kontrabida ni Coco Martin as Cardo Dalisay, sinundan ng The General’s Daughter bilang si Elai na may autism.

 

Pero hindi rin siya malilimutan sa mga seryeng E-Boy kung saan sinabihan siya ni direk FM Reyes na ‘mahusay ka’, Dugong Buhay, Pure Love at Hanggang Saan na kasama niya ang inang si Sylvia Sanchez.

 

Markado rin ang mga karakter na ginampanan ni Arjo sa ilang beses niyang paglabas sa Maalala Mo Kaya tulad ng Bangka 2012, Tsubibo, 2013, Dos por Dos 2014, Liham 2014, Pictures 2015, at Itlog 2016.

 

Kaya sa December’s Grand Awards and Gala Final ng Asian Academy Creative Awards 2020 ay naniniwala kaming malakas ang laban niya sa mga nabanggit na katunggali. (REGGEE BONOAN)

Other News
  • ‘Di pinalampas ang pambabastos ng netizen: BELA, nilinaw na walang inisnab sa concert ni HARRY STYLES

    PINATULAN at hindi pinalampas ni Bela Padilla ang pambabastos ng isang netizen dahil daw sa pang-iisnab niya sa mga taong gustong magpa-picture sa concert ni Harry Styles.     Very vocal ang aktres at direktor na fan siya ng international artist at dating member ng One Direction, kaya nag-watch siya ng concert noong Martes, March 14 […]

  • METAL BARRIER o BODY SHIELD, KAILANGAN PA BA KUNG ang MAGKA-ANGKAS sa MOTORSIKLO ay MAG-ASAWA o NAGSASAMA?

    Yan ang tanong ng marami sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP). Ayon sa IATF, mukhang ito ang ipatutupad nila para payagan ang angkasan sa panahon ng GCQ. Maski sinasabi pa ng mga eksperto, mga mambabatas at ilang lokal na opisyal, na hindi na kailangan ang barrier sa pagitan ng dalawang magka-angkas sa motor […]

  • PBBM nanguna sa panunumpa ng kanyang bagong mga cabinet members

    NANUMPA na kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang mga miyembro ng kanyang gabinete sa Malacanang.     Ginanap ang mass oath-taking ng mga cabinet secretaries sa President’s Hall at sa Reception Hall sinabay na rin sa panunumpa ang ilang local government unit officials mula sa Ilocos Norte at Ilocos Sur.     Matapos nito […]