METAL BARRIER o BODY SHIELD, KAILANGAN PA BA KUNG ang MAGKA-ANGKAS sa MOTORSIKLO ay MAG-ASAWA o NAGSASAMA?
- Published on July 22, 2020
- by @peoplesbalita
Yan ang tanong ng marami sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP). Ayon sa IATF, mukhang ito ang ipatutupad nila para payagan ang angkasan sa panahon ng GCQ. Maski sinasabi pa ng mga eksperto, mga mambabatas at ilang lokal na opisyal, na hindi na kailangan ang barrier sa pagitan ng dalawang magka-angkas sa motor at sapat na, na naka-helmet at may face mask and driver at ang naka angkas.
Ang problema ay huhulihin at pagmumultahin ang sinuman na hindi sumunod. Kaya kanya-kanyang diskarte ang mag-asawa na gustong magbyahe nan aka-motor. Ibat ibang “makeshift design” ng metal barrier o body shield ang nakikita natin sa social media – meron na hawak ng naka angkas ang barrier meron naman nakasuot sa driver o naka-install sa motor.
Tuloy mas nagiging delikado sa magka-angkas ang pagmomotor. At dahil paborito ng mga enforcers ang panghuhuli at paninita ng mga nakamotor ay diskresyon nila ngayon kung pasado sa kanilang panglasa ang makeshift barrier na diskarte ng isa’t isa – dahil pag hindi ay huli sila.
At ang violation – “no divider”. Isa pang nagiging problema sa naka angkas na mag-asawa o mag live-in ay kung anu-ano ang requirements na hinihingi para patunayan na mag-asawa asawa nga sila – gusto pa ng NSO copy ng marriage contract. Meron bibiruin pa raw na halikan mo nga yung ka-angkas mo? Pero ano ba ang polisiya talaga?
Simple lang magdala ng identification card ang magka angkas na nakatira sila sa iisang bahay. Matibay ang marriage contract pero hindi mandatory requirement ito dahil may mga mag-live in partners nga na ang ibig sabihin ay nagsasama ng hindi kasal kaya walang marriage contract.
Ang LGBT relationships naman basta magkasama sa isang bahay ay pwede rin at hindi pwedeng hingan ng marriage contract. Ang nakikita natin na problema dito ay kapag magka-angkas dalawang bagay ang kailangan patunayan – Una, na mag-asawa o nagsasama bilang magasawa ang magka-angkas o may barrier o body shield sa pagitan nila. Kaya’t asahan ng mga nagmomotor na magka-angkas na mas magiging paborito silang sisitahin ng mga enforcers ngayon.
Ang suggestion ng ilang eksperto kung ganun rin lang ay – bakit hindi na lang gawin simple ang polisiya na basta magka-angkas dapat may helmet at face mask pareho at may metal barrier o body shield.
Ano man ang relasyon ng magka angkas dahil ligtas at may compliance na sila sa health protocols. Sa private vehicles kahit sino ang magkasakay basta may distansya okay naman, ganun din sa mga public transport ganoon din. Pero pagdating sa motor maraming arte, ang kumplikado! Dahil ba magkadikit sila? Sa kotse ba hindi maaring magdikit ang nakasakay? Sa public transport na iba-iba ang nakasakay at hindi magkakilala ay ano nga ba ang pagitan?
Sa ngayon ay sunod muna at kahit delikado sa pagbalanse sa motor, kanya-kanyang diskarte sa barrier o body shield. Mensahe at pakiusap lang sa mga enforcers – huwag naman mapaghanap ng kung anu-ano pa para masita, mahuli at mapagmulta ang ating mga riders. (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
Ads November 7, 2022
-
Trial doses ng Sputnik V, hahatiin sa 5 lungsod sa Metro Manila
Limang lungsod pa lang sa Metro Manila ang makatatanggap ng 15,000 doses ng inisyal na sampol ng Sputnik V COVID-19 vaccine mula sa Russia na dumating sa bansa nitong Sabado. Makakatanggap ng tig-3,000 trial doses ng naturang bakuna ang mga lungsod ng Makati, Taguig, Muntinlupa, Maynila at Parañaque. Ayon kay Health […]
-
Ads November 17, 2021