• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ginang timbog sa sugal at shabu

Balik-kulungan ang isang 45-anyos na ginang matapos makuhanan ng shabu makaraang maaresto ng mga pulis habang naglalaro ng cara y cruz sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PSSg Carlos Irasquin Jr. kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 6 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 8 Ugong sa Sia Compound, Lamesa St. Brgy. Ugong nang maispatan ng mga ito ang isang grupo ng mga tao na naglalaro ng cara y cruz.

 

 

Nang mapamansin ng grupo ang presensya ng mga pulis ay mabilis nagtakbuhan ang mga ito sa magkakaibang direksyon habang nagawang maaresto ni PSSg Rodolfo Pidlaoan si Shirley Morales alyas “She” ng No. 6180 Mercado St. Gen. T. De Leon.

 

 

Nakuha ni PSMS Loreto Gabol Jr. sa lugar ang tatlong piso coin na gamit bilang ‘pangara’ at P140 bet money habang narekober sa suspek ang isang coin purse na naglalaman ng apat na plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P6,800 ang halaga, postal ID at P100 bill.

 

 

Kasong paglabag sa RA 9165 at PD 1602 ang isinampa ng pulisya sa Valenzuela City Prosecutors Office kontra sa suspek na aminadong dati na nakulong dahil sa illegal na droga.  (Richard Mesa)

Other News
  • Sekyu pinagsasaksak ng 2 kainuman, kritikal

    Nasa kritikal na kondisyon ang isang security guard matapos pagsasaksakin ng dalawang factory workers makaraan ang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.   Kasalukuyang inoobserbahan sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan ang biktimang si Kevin Navarro, 28 ng 290 Magat Salamat St. Brgy. Daanghari.   […]

  • IAN, ‘happily married’ kaya pikon na pikon sa tsikang hiwalay na dahil kay SUE

    FOR the first time, sumagot na si Ian Veneracion sa kumalat na balitang hiwalay na sila ng asawang si Pam Gallardo     Last 27 January, may cryptic post ang aktor sa kanyang Instagram account ng, “I don’t want to normalise people exploiting our personal lives for their entertainment.     “I don’t need to […]

  • MMDA ISUSUSPINDE ang NCAP sa PUBLIC TRANSPORT, LGUs DAPAT SUMUNOD NA RIN

    HINILING ng DOTr at LTFRB sa Metro Manila Commission na kung maaari ay suspendihin muna ang NCAP apprehension sa mga public transport  upang matugunan ng mga operator ang pangangailangan ng mga pasahero sa pagbabalik ng face-to-face classes.     Pumayag agad ang MMDA. Pero ang limang NCAP mayors ay walang say dito.     Nauna […]