• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH nakaalerto sa bird flu na naililipat sa tao

Nakaalerto ngayon ang Department of Health (DOH) kasama ang Bureau of Qua­rantine (BOQ) at Department of Agriculture (DA) sa bagong uri ng H5N8 avian flu na naiulat na naipapasa sa tao.

 

 

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na kabilang sa mga sintomas ng sakit ay lagnat, ubo, pananakit ng lalamunan, pananakit o pamamanhid ng kalamnan, gayundin ang pagduduwal, pananakit ng tiyan, pagtatae at pagsusuka, sa ilang kaso.

 

 

Unang ipinaalam ng Russia sa World Health Organization (WHO) ang transmisyon ng naturang strain sa tao.

 

 

Ito ay makaraan na natukoy sa pitong manggagawa sa isang poultry farm sa southern Russia ngunit wala naman silang naranasang anumang seryosong epekto sa kanilang kalusugan.

 

 

Dahil dito, maigting na bi­nabantayan ng BOQ ang mga border ng bansa habang hinigpitan na rin ng DA ang surveillance sa mga manok na pumapasok sa bansa.

Other News
  • NBI kumikilos na vs mga nagpapakalat ng ‘No Bakuna, No Ayuda’ sa social media – Abalos

    Binalaan ni MMDA chairman Benhur Abalos ang mga nagpapakalat sa social media na hindi makakatanggap ng ayuda ang mga hindi pa nagpapabakuna kontra COVID-19.     Ayon kay Abalos, iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga aniya’y nanggugulo lang sa harap ng pagsisikap ng pamahalaan na makatulong sa mga residenteng apektado ng […]

  • Mga kaso ng COVID-19 sa bansa, posibleng bumaba – OCTA

    INAASAHAN ng OCTA Research group ngayong araw na magkakaroon ng pagbaba sa bilang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.       Sa kabila ito ng sunud-sunod na araw na nakapagtala ng nasa mahigit dalawang libong bilang ng mga kaso ng nasabing virus sa bansa.       Sa isang panayam ay sinabi ni OCTA […]

  • Ex-Pres. Duterte, inaming iniutos ang pagpatay sa nanlalabang kriminal

    INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na noong siya ay mayor sa Davao ay inuutos nitong patayin ang mga kriminal kapag nanlalaban.   Aniya, hindi naman maaaring hayaan na ang mga pulis ang mapaslang ng criminal elements.   Gayunman, mariin nitong itinanggi ang pagkakaroon ng ‘Davao Death Squad’ (DDS).   Giit naman ni former Senator […]