• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kapalaran ng Pacquiao-Crawford bout malalaman ngayong linggo – Arum

Malalaman umano ngayong linggo kung matutuloy ba o hindi ang nilulutong bakbakan sa pagitan nina Sen. Manny Pacquiao at Terence Crawford.

 

 

Ayon kay Top Rank Promotions CEO Bob Arum, mayroon daw investor na handang maglabas ng pera para sagutin ang napakamahal na site fee matuloy lamang ang nasabing megafight.

 

 

“Somebody is willing to spend big money to get the Crawford-Pacquiao fight and the site fee, that then distorts everything,” wika ni Arum.

 

 

Kung maaalala, nasa pangangalaga ni Arum si Pacquiao bago ito kumalas sa Top Rank noong 2017.

 

 

Una rito, humingi ang Fighting Senator ng $40-million para sa laban nito kay Crawford.

 

 

Maliban kay Crawford, inihayag pa ni Arum na ilan pa sa posibleng makaharap ni Pacquiao ay sina unified welterweight champion Errol Spence at si Mikey Garcia.

Other News
  • Mga dadalo ng SONA 2022, dapat sumailalim sa RT-PCR test

    MGA dadalo ng SONA 2022, dapat sumailalim sa RT-PCR test ng mula Sabado (Hulyo 23) ng ala-1:30 ng hapon       Ito ang nakapaloob sa ipinalabas na health and safety protocols ni House of Representatives Secretary-General Mark Llandro Mendoza bilang guidance sa mga dadalo sa pagbubukas ng First Regular Session ng 19th Congress at […]

  • “MORBIUS” UNVEILS GLOBAL POSTER AND THE ANTIHERO’S TRANSFORMATION SCENE

    IS he here to save the world or destroy it? Watch Dr. Michael Morbius and his sinister alter-ego in this exclusive scene called “The Transformation” from the new action-thriller Morbius, coming exclusively to Philippine movie theaters February 2022.     YouTube: https://youtu.be/XX690ACQfWY      Checkout as well the film’s newly-released global poster below.     About Morbius   […]

  • NCR magiging matatag vs Delta variant

    Magiging ‘Delta resilient’ ang National Capital Region (NCR) sa mga susunod na buwan base sa antas ng CO­VID-19 vaccination sa rehiyon, ayon sa pagtaya ng OCTA Research Group.     Sinabi ni OCTA fellow Fr. Nicanor Austriaco, isang molecular biologist, na nabakunahan na ng iba’t ibang lokal na pamahalaan ang 20 hanggang 70 porsyento ng kanilang […]