• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Online classes sa Valenzuela kanselado ‘pag may bagyo

KANSELADO ang online classes sa Valenzuela City kapag bumabagyo batay sa Panuntunan sa Suspensyon ng Klase sa Panahon ng Distance Learning ng Pamahalaang Lungsod.

 

Kapag Signal No. 1 ay suspendido ang klase sa pre- school at kindergarten sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Magpapatuloy pa rin ang broadcast ng Valenzuela Live at ang mga talakayan sa klase at ang mga nagdaang aralin ay ia- upload at maaaring mapanood sa itinalagang YouTube channel. Walang klase sa preschool, kindergarten, elementary at high school sa mga pampubliko at pribadong paaralan kapag Signal No. 2 at maging ang broadcast ng Valenzuela Live at ang mga talakayan sa klase ay suspendido. Maging trabaho ng Depart- ment of Education ay kanselado na kapag Signal No. 3, pati ang broadcast ng Valenzuela Live at talakayan sa klase. Maaaring panuorin ang mga nakalipas na aralin sa itinakdang YouTube channel upang makapagbalik-aral ang mga estudyante at hinihikayat ang sariling pag-aaral gamit ang mga learning modules. Kapag masungit ang panahon ngunit walang babala ng bagyo galing sa PAGASA, pwedeng kanselahin ng lokal na pamahalaan ang mga klase at trabaho. (Richard Mesa)

Other News
  • Tagumpay ng Pinas laban sa COVID-19, masyado pang maaga para ideklara-Nograles

    WALANG balak ang Malakanyang na ideklara ang pagkapanalo ng bansa laban sa coronavirus (COVID-19) pandemic.     Ang katwiran ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, marami pang tao sa bansa ang hindi pa nababakunahan.     Ang pahayag na ito ni Nograles ay kasunod ng ulat na ang Kalakhang Maynila, epicenter ng […]

  • PBBM, “ON TRACK” para pagaanin ang epekto ng EL NIÑO, naghahanda na sa LA NIÑA phenomenon

    PATULOY na ipinatutupad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang El Niño mitigation measures bilang paghahanda sa epekto ng La Niña phenomenon, inaasahan na made-develop sa darating na buwan ng Hunyo ngayong taon.     “Government agencies will continue to implement the El Niño action plans and of course, later on, transition into […]

  • Newsome lider na sa Bolts

    MAY panibagong responsibilidad na papasanin si Christopher Elijah ‘Chris’ Newsome dahi sal pagkaawala ni teammate Baser Amer para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 na sisiklab sa Abril 9.     Ito ang pinabalikat ni Norman Black para sa versatile player na magiging point guard mula sa pagiging shooting  guard/forward ng Meralco. […]