• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lim, Castro, Paranaque patok sa 1st WNBL 2021

NASA walo lang ang tinapik, pero may anim na protected list sa pangunguna nina dating national team stalwarts Allana May Lim at Clare Castro ang Parañaque kaya patok pa rin sa nakatakdang dumribol na 1st Women’s National Basketball League (WNBL) 2021 sa ihahayag na petsa sa lalong madaling panahon.

 

 

Kasapi ang 32-year-old, 5-foot-9 forward na si Lim ng PH team na nag-gold medal sa 2016 Malacca SEABA Women’s 5×5 at nag-bronze sa 2012 Haiyang Asian Beach Games 3×3, at ng champion Far Eastern Lady Tamaraws sa 74th UAAP 2011-12 kung saan siya nag-season MVP.

 

 

Isang veteran internationalist na rin naman sa 5×5 at 3×3 ang 24-anyos na Kapampangan, may taas na 6-5 na sentro, former Lady Tam din  at marami nang nakuhang parangal sa collegiate league na si Castro.

 

 

Ang ibang koponan maraming natapik sa katatapos na  Virtual 1st WNBL Draft 2021.

 

 

Ang apat pang original sa Lady Aces ay sina Jamie Alcoy, Carmina Reyes, Kris Tolentino at Mardyn Tingcang. (REC)

Other News
  • Ads October 17, 2023

  • Active COVID-19 cases sa bansa, maaaring pumalo sa 525,000

    SINABI ng Malakanyang na maaaring pumalo sa 525,000 ang active COVID-19 cases sa bansa sa katapusan ng Setyembre kung hindi inilagay sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) mula Agosto 6 hanggang 20.   Ang babala ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na ilagay sa ilalim ng ECQ, strictest […]

  • Sa gitna ng pag-alis sa VFA: Malakanyang, kumbinsidong mas mataas ang respeto ng US sa bansa

    Kumbinsido ang Malakanyang na nakuha ng Pilipinas ang mas mataas na respeto mula sa Amerika kasunod ng pasya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipawalang bisa na ang Visiting Forces Agreement.   Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo na sa pamamagitan ng pagpapadala ng abiso para sa terminasyon ng VFA ay masasabing kasingkahulugan ito na […]