• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao vs Terence inaayos

ISANG negosyante ang handang sumugal at maglatag ng kanyang milyones matuloy lang banatan nina eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao at unbeaten World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford ng USA.

 

 

Isiniwalat kamakalawa ni Top Rank Promotions CEO Robert ‘Bob’ Arum, na desididong sagutin ng maperang investor sa Middle East ang mamahaling bayad sa pagdarausan ng suntukan sa taong ito.

 

 

“Somebody is willing to spend big money to get the Crawford-Pacquiao fight and the site fee, that then distorts everything,” pagsisiwalat ng Amerikanong promoter sa podcast Barbershop Conversations.

 

 

Nauna nang humirit ng $40M (P2B) ang 42 taong-gulang na Pambansang Kamao habang $10M naman ang singil ni Crawford para sa upakan.

 

 

Pinanapos ni Arum na malamang na magkatintahan ngayong linggo ang mga handler ng magkabilang panig upang matuloy ang Pacquiao-Crawford 12-round fight. (REC)

Other News
  • DepEd Sec. Angara babantayan ang anti-bullying policy compliance ng mga paaralan

    Babantayan ni Education Secretary Sonny Angara ang compliance ng mga paaralan pagdating sa pag implimenta ng kanilang anti-bullying policy. Ayon kay Angara, required ang bawat paaralan na magkaroon ng anti-bullying policy. Bagamat hindi sinasabi ng batas kung gaano umano ka istrikto, kinakailangan pa rin na magkaroon ng polisiya hinggil dito. Nabanggit din ni Angara ang […]

  • One-time extension sa education assistance program, pinag-aaralan ng DSWD

    PINAG-AARALAN ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng one-time extension sa pamamahagi ng educational assistance program nito.     Ito ay bago ang nalalapit na pagtatapos ng kanilang anim na linggong payoout sa darating na September 24, 2022.     Ngunit paglilinaw ni DSWD Spokesperson Romel Lopez, ang naturang extension […]

  • Marcelino sobra na ang sakripisyo

    PINAGTAPAT ni Philippine Basketball Association o PBA rookie rookie Jaycee Marcelino ng Alaska Milk na naging mahirap para sa kanya ang pagkakatengga ng ika-45 na edisyon ng propesyonal liga na Philippine Cup 2020 elimination round.   Ayon kamakalawa sa basketbolista, may 10 buwan siyang hindi nakapaglaro ng opisyal na basketbol o magbuhat nang yumukod ang […]